Una sa Balita

Meghan Markle umayaw sa Vogue magazine

By
0 568

Ang Duchess of Sussex Meghan Markle pala ang dapat na nasa cover ng Vogue para sa buwan ng September at hindi ang singer na si Beyonce.

Balita kasing tumanggi si Meghan sa naturang offer ng Vogue dahil sa isang personal na rason.

Ayon sa OK! Magazine, ang Vogue Editor-in-chief na si Anna Wintour ang mismong pumili kay Meghan para maging cover girl.

“Editor-in-chief Anna Wintour really wanted it to be Meghan Markle.

“Anna offered to photograph the cover anywhere Meghan wanted and was wil­ling to oversee the shoot and interview her personally.

“But Meghan said no, so Vogue moved on to pop royalty instead!”

Kung tinanggap daw ni Meghan ang Vogue cover shoot, siya ang unang royalty na gagawin iyon. Wala pa raw British royalty na nagla-land sa cover ng Vogue US.

Ang sister-in-law ni Meghan na si Kate Middleton ay naging cover sa British Vogue’s centenary cover noong 2016 and had a gorgeous 10-page spread.

Ang ipa bang ro­yalty na naging cover ng mga sikat na fashion magazines through the years ay sina Queen Elizabeth on Vanity Fair magazine in 2016 to commemorate her 90th birthday; Princess Dia­na on Vanity Fair cover in July 1997; Princess Beatrice appeared on Tatler magazine’s co­ver in September 2005 and Princess Eugenie graced Tatler’s cover in April 2008.

Ultimo si Prince Harry ay naging cover boy para sa Town & Country magazine co­ver in February 2017.