Una sa Balita

Meghan Markle nanguna sa ‘Best Dressed of 2018’

By
0 257

Nilabas ng Vanity Fair ang kanilang list for the Best Dressed of 2018. Mga kinunan nila ng basehan ng list ay mula sa mga wardrobe stylists­, designers at ang everyday man-on-the-street.

Tinanong nila kung sino ba sa mga celebs ngayon ang nagpapakita ng kakaibang look sa mga red carpet events at maging sa tinatawag na street style.

Hanap ng Vanity Fair ang mga risk-taker, boundary-breaker and true influencer at hindi lang puro glamour.
Kaya naman nakabuo sila ng higit na 43 celebrities sa kanilang Best Dressed List.

Kabilang sa 43 na iyon ay sina Amal Clooney, Meghan Markle, Tracee Ellis Ross, Yara Shahidi, Zoe Kravitz, Rihana, Serena Williams, Ashley and Mary-Kate Olsen at Bella Hadid.

Sa mga lalake naman, pasok sa list sina Mark Ronson, David Adjaye, Timothee Chalamet, Jay-Z, LeBron James, Donald Glover at Jeff Goldblum.

At para naman sa Duchess of Sussex: “This year, Meghan Markle’s style has evolved into a much sleeker, high-fashion look. She’s the most daring of the royal fashion pack, and her signature boatneck cut and monochromatic color choices exhibit classic polish.” (Ruel Mendoza)