Una sa Balita

Meghan Markle Most Aspirational Woman ng Vogue

By
0 1,638

Napasama na sa Vogue 25 or Britain’s 25 Most Influential and Aspirational Women ang bagong hirang na Duchess of Sussex na si Meghan Markle. Kahit na hindi ito maituturing na British dahil isa siyang African-American, isa na si Meghan sa most recognizable women sa buong mundo dahil sa naging royal wedding niya with Prince Harry noong nakaraang May 19.

Ayon sa Vogue magazine, ang naging influence ni Meghan ay ang kanyang bi-racial campaign at pagiging isang feminist.

The former Suits actress ay involve din sa various charities sa iba’t ibang lugar sa mundo. Si Meghan ang nag-encourage sa mga wedding guest nila ni Prince Harry na imbes na bilhan sila ng mamahaling wedding gift, magbigay na lang sila ng donation sa anumang organization na tinutulungan nilang mag-asawa.

Isang Global ambassador for World Vision din si Meghan at nakapagsalita na ito para sa UN Women.

Kabilang din sa Vogue 25 ay ang human rights lawyer at misis ng Hollywood actor na si George Clooney na si Amal Clooney; ang Scottish Tory leader na si Ruth Davidson, pop star Dua Lipa; Harry Potter author J.K. Rowling, fashion designer Stella McCarthy, CEO of MediaCom Karen Blackett, British actress and Black Panther breakout star Letitia Wright, Royal Court theater director Featherstone, Tate art museums and galleries director Maria Balshaw, models Edie Campbell and Adwoa Aboah, music executive Grace Ladoja, writer and academic Sinead Burke and Collette Roche, chief operating officer of Manchester United and The Guardian’s editor Kath Viner and two of its reporters, Amelia Gentleman and Carole Cadwalladr.

Iñigo puro hugot, puro emote ang alam

Maraming netizen ang nakakapansin na masyadong ma-emote sa social media ang anak ni Piolo Pascual na si Iñigo Pascual. Hindi katulad ni Piolo na bihirang mag-post at hindi nagra-rant sa social media accounts niya, itong si Iñigo naman ay hindi mapigilan na mag-post ng kung ano-ano, pero sa bandang huli ay idi-delete din naman pala.

Ang huling tweet niya ay nagpaka-cryptic pa siya. Pinupuna niya ang mga taong mahilig manira ng ibang tao. Wala siyang binanggit na pangalan, basta nag-emote lang siya sa Twitter.

Marami raw kasi ang ayaw siyang maging successful, pero dahil sa mga natatanggap niyang mga achievement, iyon daw ang nagiging sagot niya sa mga taong gusto siyang mag-fail sa showbiz.

“Palagi silang magha­hanap ng butas para siraan ka… wala ka magagawa dun. Just continue being you, making sure you’re not hurting anybody with your actions. Ayaw nila na maging successful ka, kaya gawin mo lang. LET YOUR ACHIEVEMENTS BE THE ANSWER TO ALL THEIR NEGATIVITY.”

Ilang minuto lang nagtagal ang tweet na ito ni Inigo at na-delete na. Pinalitan niya ito ng isang post na nakalagay ay “think of the things you truly are thankful for…”

Sana ay gumaya na lang si Inigo sa kanyang Papa Piolo na dinadaan na lang sa trabaho ang lahat at hindi na kailangan pang idaan sa social media ang mga himutok sa buhay.

Naging successful na aktor si Piolo sa panahon na hindi pa uso ang social media. Kaya walang dapat pang ikabahala ang aktor sa kanyang career.

Pero ang mga kabataan ngayon sa showbiz, sa pagiging busy nila sa pag-post sa social media ng mga nararamdaman nila, the more na nagiging vulnerable sila at mas nahahanapan pa sila ng pintas ng mga gustong mang-bash sa kanila. (Ruel Mendoza)

Kambal nina Carmina, Zoren pinarangalan ng Reedley Int’l School

Very positive naman ang mga post parati ni Carmina Villarroel sa kanyang mga social media account. Never nag-emote or nag-rant si Mina dahil nakakadagdag lang daw iyon ng negativity sa pagkatao niya.

Sey pa ng isa sa mga bida ng top-rating primetime teleserye na Kambal, Karibal na ang social media ay pang-good vibes nilang pamilya. Doon nila pino-post ang mga magagandang bagay tulad na lang ng mga achievement ng kambal nila ng mister niyang si Zoren Legaspi na sina Mavy at Cassy.

Kelan lang kasi ay nabigyan ng recognition ang kambal sa Reedley International School. Nakatanggap ng medalya si Cassy at may trophy naman si Mavy.

“Year End Reading of Honors. Congratulations Cassy and Mavy. We are always proud of you. We love you both!” post pa ni Mina sa IG.

Consistent honor students ang dalawa kaya super proud parents sina Mina at Zoren sa dalawa. Kaya kahit na busy ang dalawa sa taping ng kanilang mga shows, alam nilang doing good in school ang mga bata.

Nagsalita na noon si Zoren na payag siyang mag-showbiz sina Mavy at Cassy basta ang usapan ay priority ng kambal ang kanilang pag-aaral.