Una sa Balita

Megaworld tumulong sa 400 pamilya

0 264

BUMUHOS ang tulong para sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal sa Batangas.

Kabilang sa nagbigay ng tulong ay ang Megaworld Foundation, ang socio-civic arm ng property giant Megaworld.

Nagsagawa sila ng relief operation at higit sa 400 pamilya ang nakinabang sa Nasugbu, Batangas.

Sila ay mga residente ng Agoncillo, Laurel, Lemery, Manghinao, San Nicolas, Taal at Talisay na lumikas at tumungo ng evacuation center sa Nasugbu.

Namahagi ang foundation ng relief goods, kabilang na ang pagkain, inu­ming tubig at face mask sa mga apektadong pamilya.

Higit sa isang dosenang empleyado at volunteer ng Megaworld ang nakibahagi sa relief operation.

“More than anything else, we believe that it is in times of distress and calamity that we need to hold on to each other. We hope that in this small way, we can help alleviate the suffering of our fellow Filipinos,” saad ni Francis Canuto, president ng Megaworld Foundation.

Bukod sa sariling relief operation, nangako rin ang Megaworld Foundation na magdo-donate sa relief effort ng GMA Kapuso Foundation, ABS-CBN Foundation, at Operation Blessing Foundation.

Sa mga nakalipas na araw, tumulong din ang Megaworld sa mga apektado ng ashfall dulot ng pagsabog ng bulkang Taal. Hindi na sila naningil ng overnight parking fee sa mga Megaworld Lifestyle Mall sa Metro Manila tulad ng The Village Square Alabang at Southwoods Mall.

Bukod dito, naglagay rin sila ng mga donation box para sa relief goods sa Eastwood Mall, Lucky Chinatown, Venice Grand Canal, Southwoods Mall, at Uptown Mall.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More