Una sa Balita

Megastar Sharon Cuneta sa ‘Anything Goes’

0 348

Paalis pala si Sharon Cuneta pa-Amerika after ng presscon nila bukas ni Regine Velasquez-Alcasid for their “Iconic” Araneta Coliseum concert on October 18 & 19.

Hindi ko nga lang sure kung dadalaw ba siya sa anak na si Frankie Pangilinan na nag-aaral ngayon sa New York.

Anyway, ‘yon ang itatanong ko sa Megastar bukas sa “Anything Goes” at mapapanood ninyo sa Facebook page ng Abante News Online ng 3:00PM.

If you’re a fan of Sharon, and Regine also, puwede kayong tumutok sa live interview namin sa kanila bukas. Kung may gusto rin kayong itanong sa Megastar at Asia’s Songbird, puwede kayong mag-comment sa live broadcast namin para maitanong ko ‘yon sa kanila.

Anyway, sabi sa akin ni Cacai Velasquez-Mitra na isa sa producers ng “Iconic”, sobrang mabili ang tickets para sa two-night “Iconic” concert nina Sharon at Regine.

Marami ang ayaw palampasin ang “Iconic” concert nina Sharon at Regine dahil baka ngayon nga lang ito mangyari at hindi na maulit pa, huh!

Actually, pati kapwa nila celebrities ay panonoorin ang “Iconic” dahil very rare na magsama ang two big stars/singers in one big concert!

RIP, Isah Red

Alam mo, Dondon, ka-sad kahapon dahil dalawang kasamahan natin sa showbiz industry ang iniwan na tayo.

Una, si Isah Red na president emeritus at co-founder ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors).

Actually, part din si Isah ng Abante online show ko dahil ilang beses siyang nag-guest co-host sa akin.

Kaka-sad talaga at sobrang mami-miss ko ang wit niya sa tuwing magkatsikahan kami.

Rest In Peace, Isah at nakikiramay kami sa mga naulila niya!

Direk Mel family drama sana ang huling proyekto

Yumao rin kahapon ang batikang direktor na si Mel Chionglo.

Huli kong nakita si Direk Mel sa Sine Sandaan event sa Araneta complex sa Cubao, Quezon City noong September 12.

Nasa Novotel lobby kami nang dumaan siya kasunod si Direk Joel Lamangan. Nag-request kami na kunan sila ng picture at nag-pose naman para sa amin ang magkaibigang direktor.

Days before that event, habang ka-lunch namin ni Annabelle Rama ang mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde ay nabanggit nila na may meeting sila with Direk Mel.

May gagawing pelikula sa kanilang film outfit si Direk Mel.

Inaayos daw ‘yon ng supervising producer ng Regal Entertainment, Inc. na si Direk Manny Valera.

Nang tawagan ko si Roselle kahapon, sinabi niyang hindi na natuloy ang meeting sanang ‘yon.

Sabi naman ni Direk Manny, “May gagawin sanang family drama sa Regal si Direk Mel. Sabi kasi ni Mother Lily, ang galing ni Direk Mel sa mga family drama, kaya ‘yon ang project na ibibigay sa kanya. Bale wala pang nabubuong project, magmi-meeting pa lang, pero hindi nga natuloy dahil may sakit naman si Ricky Lee na gagawa ng script.”

Kuwento pa ni Direk Manny, “Sabi ni Direk Joel na close friend ni Direk Mel, galing daw sa isang event si Direk Mel at napagod. Hindi yata makahinga, kaya dinala pa sa Chinese Medical Center. Umabot pa naman sa hospital at naasikaso pa hanggang mawala na nga.”

Sa pamilya ni Direk Mel, ang amin pong pakikiramay!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy