Una sa Balita

Megan Young madalas kilabutan sa taping

0 486

abante-talbog-joe-barramedaKinareer ng upcoming show na “Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko” ang kanilang pictorial para sa nalalapit na premiere ng Afternoon Prime series. Dahil katatakutan ang tema nito, ramdam ang misteryo mula sa location, ilaw at special effects sa pictorial ng cast members na sina Rayver Cruz, Megan Young, Kim Domingo at Kris Bernal.

Present din ang paranormal experts tuwing taping dahil hindi biro ang tatakbuhin ng kuwento. “Mahina talaga ang loob ko ‘pag nanonood ako ng nakakatakot. Alam kong iba kapag ikaw ang sinu-shoot kaysa kapag ikaw ang nanonood so kailangan ko ng lakas ng loob,” kuwento ni Megan na madalas kilabutan sa taping nila.

“Siyempre ang importante ‘yung faith mo kay God at dapat mag-pray,” dagdag pa ni Kim.

Manoy patuloy na pinagpi-pray ng mga taga-showbiz

Patuloy na nagdarasal ang lahat na sana ay malagpasan ni Manoy Eddie Garcia ang aksidenteng nangyari sa kanya nitong Sabado.

Hindi nakakatulong ang pagkalat ng mga fake news pati na ang pagba-bash at paninisi sa social media sa mga taga-GMA. Walang may gustong mangyari ito, lalo pa kay Manoy na minamahal ng mga tao sa loob at labas ng industriya.

Malinaw rin namang hindi pinagtatakpan ng GMA-7 ang aksidente. Bukod sa mga statement na nauna na nilang inilabas, panay rin ang report nila about Manoy sa kanilang news programs.

Kiray kina-career ang pagbebenta ng ‘chicks’

If ever raw na hindi mag-showbiz si Kiray Celis, mahalaga na mayroon siyang fallback or iba pang pagkukunan ng income. Kaya sa programang “Tunay na Buhay” ay ibinahagi ni Kiray ang kanyang negosyo na ‘Chicks and Fins.’
Isang taon na ang kanyang business na matatagpuan sa Manila at may plano na rin siyang magbukas ng isa pang branch this year. Congrats, Kiray!

Samantala, patuloy na napapanood si Kiray sa episode ng “Daig Kayo Ng Lola Ko” na ‘Super Kiriray and the Wonder Kids’ kung saan kasama niya rito ang Kapuso heartthrob na si Clint Bondad.

Solenn nag-enjoy sa ‘tikiman’ kay Gabby

Tinutukan ng Kapuso viewers ang pagpasok ng karakter ni Solenn Heussaff as Lianne sa top-rating GMA primetime series na “Love You Two.” Pasabog naman talaga ang pagbabalik ng karakter ni Solenn lalo na sa ibinalita niyang nag-enjoy siya sa tikiman ni Gabby, at katunayan ay dinadala niya ang anak nila ni Gabby (bilang si Jake).

Naku, ano kaya ang magiging epekto nito kina Jake at Raffy (Jennylyn Mercado)? Tutok lang sa “Love You Two” gabi-gabi pagkatapos ng “Sahaya” sa GMA Telebabad!

Aicelle bilib sa boses ni Derrick

Masaya ang internationally-acclaimed Kapuso singer na si Aicelle Santos dahil makakasama niya sa teatro ang Kapuso heartthrob na si Derrick Monasterio.

Aniya, “I’ve always told him he has this brilliant voice and I think eto ‘yong perfect time para makita ng mga tao. Sabi ko nga sa kanya na masaya ako na dito niya mararanasan ‘yun dahil maaalagaan talaga siya ng show and maraming-marami siyang matututunan.”

Feeling blessed din si Derrick dahil parte na siya ng longest-running Pinoy musical na matagal niya ng pangarap. Bonus pa raw ang mainit na pagtanggap sa kanya ng fellow cast, lalo na ng kapwa Kapuso star na si Aicelle.

Ibinahagi niya pa ang ilang tips na natutunan niya mula sa award-winning performer.

“Tapon ko lang daw ‘yong boses ko kasi lalabas ‘yan — like open your mouth, just sing, and ibigay ko lang daw lahat. Kasi sa umpisa, ganon din daw siya, parang nahihiya-hiya. Pero nu’ng tumagal na, nu’ng nabuo na ‘yong camaraderie ng group, lumabas na ‘yong personality niya and voice niya,” saad ni Derrick.

Abangan sina Aicelle at Derrick sa “Rak of Aegis” Season 7 simula ngayong Hulyo!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy