Una sa Balita

Megan super kuripot

0 522

Umaming kuripot o “frugal” si Megan Young para lang i-justify ang hindi nito pagbili ng mga branded o luxury bags. Nag-post si Megan ng photo niya na kuha sa paglalagalag niya sa London, hawak ang isang bag.

Ang nasabing bag ay ang unang bag na pinag-ipunan niyang bilhin, mahigit isang taon na ang nakakaraan.

Tatlong bagay lang ang pinagkakagastusan ni Megan: Kape, pagkain at Ragnarok. Kilala raw si Megan ng mga kaibigan at pamilya niya sa sobrang kakuriputan.

Pero pinag-ipunan daw nito ang bag at nagpapasalamat ito dahil hanggang ngayon, buhay pa ang bag.

Walang balak i-dispose ni Megan ang bag dahil nagagamit pa niya ito at nagkukuripot siyang bumili ng mga expensive bag.

Dimples bumilib sa gymnast na si Daniela

Biglang naging fan si Dimples Romana sa kaparehong pangalan niya sa character sa “Kadenang Ginto” na si Daniela. Naka-post sa Instagram ni Dimples ang larawan nila ni SEAG gold medalist for gymnastics na si Daniela Reggie De La Pisa.

Naaliw si Dimples kay Daniela dahil bukod sa name nito, unang Pinay gymnast daw ito na nakasungkit ng gold.

“Real life Daniela, Real Life Slayer,” sabi ni Dimples.

Nag-comment rin si Daniela at nagpasalamat ito sa paghanga at posting ng aktres sa kanilang larawan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy