Una sa Balita

Megan sinita sa maling English

0 607

Kaloka, na sa halip na ang magandang katawan ni Megan Young ang mapansin sa Instagram photo niya, na naka-bikini nga siya, ang simpleng pagkakamali niya sa ‘English’ ang napag-usapan, at dahil lang ‘yon sa pagpuna ng isang fan.

“First time in Coron with the family my kuya is the photobomber in the back,” ang unang caption ni Megan.

Eh, hirit agad ni elairubss: “in the back? or at the back?”

Mabuti na lang at super sport lang si Megan, o hindi pikon sa mga grammar nazi, na konting pagkakamali mo lang sa paggamit ng ‘in’ or ‘at’ ay ginagawang big deal na.

“@elairubss changed hahaha,” reaksiyon lang ni Megan.

Kaya ang mababasa na sa caption ni Megan ay:

“First time in Coron with the family my kuya is the photobomber at the back.”

Siyempre, sa halip na kutyain si Megan, ang netizen na ‘yon na sumita sa maling English ni Megan ang binakbakan ng mga fan.

icceyyyyyy: “@elairubss Yung mali palagi binabantayan mo ahh. Pinoy nga naman.”

benjaminsalise: “@elairubss basta si Megan nagbigay karangalan sa bansa and we love her.”

Kaloka, ‘di ba? Hahahaha! (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More