Una sa Balita

Megan pinatunayang mas sariwa, maganda kay Katrina

By
0 3,538

Para sa nalalapit na premiere ng The Stepdaughters, nagpatikim ng patalbugan sina Megan Young at Katrina Halili sa isang maiksing interview about beauty.

Hiningan sila pareho ng tips about sa iba’t ibang klase ng skin dilemmas at natuwa ang netizens dahil simple at accessible ang mga beauty tips na ipinamahagi nila.

Si Megan, nag-share ng beauty hack na dapat ay pahiran ng yelo ang ilalim ng mata para mabawasan ang pagmumukhang puyat ng mga ito. Nababawasan din daw ang kapit ng make-up kapag puyat kaya ang payo niya, dapat ay kumpletuhin ang tulog! Si Katrina naman, pinaalalang dapat la­ging uminom ng maraming tubig dahil ito ang pinakamadaling paraan para manatiling moistu­rized ang balat at hindi agad makitaan ng signs of aging!

Ngayon, hinihintay na ang paghaharap ng mga karakter nila sa The Stepdaughters dahil sigu­radong patalbugan in terms of beauty and style ang labanan sa bagong Afternoon Prime show na ito.

Pero sa presscon nga kamakailan, pinatunayan ni Megan na mas maganda siya kay Katrina, ha! Ang fresh kasi niya nung time na ‘yon, at kahit konti lang ang make-up niya, angat talaga ang ganda niya.

Barbie ayaw pakawalan ng GMA

All caps para intense! All caps nga ang post ni Barbie Forteza sa kanyang Instagram account kung saan ibinahagi ni Barbie na mayroon siyang bagong teleserye sa Kapuso Network. Kasama sa litratong ipinost ni Barbie sina Derrick Monasterio at Juancho Trivino na napapabalitang magiging kasama rin ni Barbie sa serye. May caption na “INDAY WILL ALWAYS LOVE YOU. SOON ON GMA TELEBABAD. #grateful” ang naturang post ni Barbie kaya naman marami sa fans niya ang na-excite dahil ibig lang ipahiwatig nito ay magbabalik primetime na ang kanilang idolo. Inaabangan na namin kung tungkol saan ang magiging kuwento nito.

Ang bongga dahil ayaw talagang pakawalan ng GMA si Barbie, ha!