Una sa Balita

Megan na-intimidate sa kamalditahan ni Katrina

By
0 2,866

Bukod sa kuwelang karakter ni Katrina Halili sa likod ng kamera, ang pagiging collaborative at helpful ng aktres ang isa pa sa hina­hangaan ni Megan Young sa kanya.

Pag-amin ni Megan, na-intimidate siya kay Katrina noong simula hindi dahil inisip niyang maldita ito sa totoong buhay, pero dahil nakita niya kung gaano kagaling sa mga eksena ang kapwa aktres. At mas nag-level up ito nang maging magkatrabaho na sila sa eksena.

Imbes na magpatalbugan sila ay pinag-uusapan nila kung paano magkakaroon ng kanya-kanyang shining moment ang bawat isa. Dahil diyan, excited na kami sa magiging tapatan nilang dalawa sa The Stepdaughters!