Una sa Balita

Megan, Mikael sa Iceland pakakasal

By
0 641

Hindi na kami magugulat kung sa susunod na travel nina Mikael Daez at Megan Young, may proposal na na magaganap. Could be, sa Iceland?

Since nang sabihin namin yun sa kanya dahil ang Iceland pa lang daw ang major trip nila na ina-anticipate na baka mag-propose na siya, nakangiting sinagot lang kami ni Mikael nang, “sa palagay mo?”

Sabi nga ng mismong manager ni Mikael na si Betchay Vidanes nang mag-comment ito sa Instagram post ng alaga na ang caption ay isang malaking pahiwatig na, “give away na give away naman”.

Ang caption ni Mikael sa kulitan at halatang kumportableng-kumportable na siya sa Mommy ni Megan base sa picture pa lang nila, “I tend to act like an oversized brown labrador around @meganbata and tita @victoriayoung60 or should it be mommy @victoriayoung60 already!?! I see no difference.”

Hmm… nangangamoy proposal o kasalan na nga.

 

Paolo malabo pang pakasalan si LJ

Tumayming daw lahat para kay Paolo Contis ang mga nangyayari sa buhay niya at sa career. Timing na wala pa muna siyang ginagawang teleserye kaya nakagawa raw siya ng dalawang pelikula, ang isa ay ang “Through Night & Day” na pinagbibidahan nila ni Alessandra de Rossi na sho­wing na sa November 14 at half of the location, sa Iceland sila nag-shooting.

Daming kuwento ni Paolo sa Iceland experiences nila na sobrang lamig daw talaga with a negative 10 degree at sobrang mahal daw ng bilihin pero siyempre, talagang for the book na experience para sa kanya.

Original plan daw pala nila, kasama sana si LJ Reyes para makapasyal din, pero dahil kasalukuyan nga nitong pinagbubuntis ang baby girl nila, no choice but to leave LJ plus, may school din si Aki (anak ni LJ kay Paulo Avelino).

Kapag malaki-laki na raw sina Aki at ang baby nila ni LJ, plano niyang isama ang mga ito at bumalik ng Iceland.

So ‘yun nga, timing daw ang lahat at feeling talaga ni Paolo, napakalaking blessing ang hatid ng bago nilang baby.

“Sabi nga namin ni LJ, blessing ‘to, blessing si baby. Simula nung dumating siya, sabi siguro ng anak ko, mag-ipon ka. Hahaha!”
Sa January raw naka-due na manganak si LJ. Kumpara noong ipina­nganak nito si Aki at tuwing Pasko ay pumupunta ng America para makasama ang ina at kapatid, nagdesisyon daw sila na sa bansa na lang ito manganak ngayon. Katwiran ni Paolo, mas maaalagaan daw kasi niya si LJ kung dito sa bansa.

‘Yung usaping kasal ay hindi pa masasagot ni Paolo sa ngayon dahil naka-process pa rin ang annulment nila ni Lian Paz na may sarili na rin buhay sa Cebu.

Sabi naman ni Paolo, “What’s good is that it’s moving better. Both parties are cooperating and naniniwala naman ako na pareho kaming gusto namin na maging maganda ang buhay namin with our partners. I’m hoping na maging maayos at legal lahat.”
Katulad naman ng mga karak­ter nila ni Alessandra sa pelikula, nai-relate ba niya ito kung ano rin sila ni LJ in real-life?

“I think, kung paano kami mag-usap ni LJ, ganun kami. Sandali pa lang kami ni LJ as compared sa characters namin ni Alex na sobrang tagal. But I think, naman what’s good about me and LJ, matagal na kaming magkakilala.

“So bago ko siya ligawan, siguro sa loob-loob ni LJ, ‘Wag ako! Kilala kita! ‘Wag kang magpa-cute! Hahaha! So since day 1, wala na kaming taguan, wala nang pa-cute-cute so I think, that’s the magic of our relationship.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy