Una sa Balita

Megan-Mikael kasal nanggulat

0 393

Kung totoo ngang kasal na, unang tumunog sa taong 2020 ang wedding bells para sa celebrity traveler couple na sina Miss World 2013 Megan Young at Mikael Daez.

“Hello to Megan Young-Daez and it’s time for me to get used to Mikael Daez-Young (LOL and heart emoji) #Finally,” post ni Mikael sa Instagram.

Maraming netizen ang nagulat sa post na ito ni Mikael. Duda ang ilan na part lang ito ng shoot sa isang teleserye o proyekto kung saan magkasama ang magdyowa.

Hindi masyadong bongga ang wedding dress ng aktres at mismong kasalan pero punong-puno naman ng ka-sweet-an ang kanilang litrato bilang couple.

Kasabay ng selebrasyon ng Chinese New Year ang pag-iisang dibdib nga ng couple na ito na agad ding inulan ng congratulatory messages sa comment section.

Parang ilang araw lang ang nakalipas ay may pinost pa si Mikael na nasa kasal sila bilang invitee, ngayon naman sila na nga ang kinasal. How cute lang talaga nitong couple na ito.

Excited na ang mga fan na tunghayan ang kanilang married life journey dahil maski magdyowa pa lang sila ay puno na ng adventures ang kanilang buhay. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More