Una sa Balita

Megan, Katrina nakaka-shookt ang salpukan

By
0 1,287

Maganda pero deadly ang ilan sa mga description ng loyal Kapuso viewers sa dalawang bida ng The Stepdaughters na sina Megan Young at Katrina Halili. The claws are out na kasi ang peg ng mga karakter nila na sina Mayumi (Megan) at Isabelle (Katrina) dahil sa nakaraang engkwentro nila, matinding sabunutan ang pinakita ng mga ito sa kanilang avid followers.

Ang resulta, ang mga fan sobrang shookt! Ayon sa ilang komentong nabasa namin, dama nila na parang totoong nagsasakitan na ang dalawa dahil kahit sila nadadala rito.

Si Katrina, agad namang pinabulaanan ang dudang ito ng viewers at ibinahagi na napaka-sweet ni Megan off-cam. In fact, ang tawag nga nito sa kanya ay baby. Dagdag pa ni Kat ay sobrang kalog ni Megan kaya wala silang kaproble-problema. So kung ganun, isa lang itong patunay kung gaano sila kahusay sa kanilang performances. Good job!

Abante Hiring – IT dep

Samantala sa nangyari sa kanilang mga karakter, mapaamin kaya ni Mayumi ang malditang si Isabelle na siya ang nagpapainom sa kaniyang ina nang gamot para mabaliw?

***

The Clash sa tag-ulan

Kahit tag-ulan ang Hulyo, mainit pa rin ang mga pasabog ng GMA para sa pagpasok ng 3rd quarter ng 2018. Ngayong Hulyo na magsisimula ang The Clash, ang pinakabago at pinakamalaking singing competition ng Kapuso Network na talaga namang siguradong tututukan ng lahat.

Hosted by Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid, natapos na nga ang nationwide auditions nito na nagsimula noong Pebrero kung saan kabilang sa screening panel na masusing kumilatis sa mga possible contestants during the auditions ay ang kila­lang TV director, writer at musician na si Direk Bert de Leon, ang lead singer ng bandang South Border na si Jay Durias, at award-winning composer at record producer na si Vehnee Saturno.

Noong Biyernes (May 4), muling nagsama-sama ang tatlo para piliin na ng finalists sa magaganap na callback.