Una sa Balita

Megan, Katrina mortal na magkaaway

By
0 154

Sa totoong buhay, magkaibigan talaga sina Megan Young at Katrina Halili pero sa high-rating afternoon prime series na ‘The Stepdaughters’ sila ay maituturing na ‘mortal enemies’.

Grabe ang kanilang mga confrontation scenes, walang nagpapatalo sa kanilang dalawa. Lumalaban na talaga si Mayumi (Megan) sa kamalditahan ni Isabelle (Katrina).

Sa episode nga noong isang araw, todo tarayan silang dalawa lalo na’t ang pinagtatalunan nila ay ang direksyon ng Coco Bella kung saan si Mayumi na ang bagong President at General Mana­ger dahil tinanggal na sa puwesto si Isabelle kahit siya pa ang ‘child of owner’.

Dagdag pa nito, may isa pang makakabangga si Isabelle, ang bagong assistant ni Mayumi na si Grace (Joyce Ching) na palaban din. At mukha ngang hindi rin magpapatalo at uurungan ni Grace ang katarayan ni Isabelle.