Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Megan hindi na kilala ni Mikael

0 98

Iba ang excitement ng mga Kapuso o Philippine runners sa kanilang pag-alis at pagpunta ng South Korea for 2 months.

Magsisimula na ngang tumakbo o mag-taping sa South Korea ang “Running Man PH,” ang Pinoy adaptation ng isa sa pinaka-hit variety show sa Korea sina Glaiza de Castro, Mikael Daez, Ruru Madrid, Buboy Villar, Angel Guardian, Kokoy De Santos at Lexi Gonzales.

Sa kanilang lahat, si Mikael ang may adjustment sa buhay may asawa nila ni Megan Young. Kaya parang habang nagte-taping siya sa Korea, si Megan ay nag-solo travel naman.

May netizen o fan nga na kinabahan sa post ni Megan nang sabihin niyang kung gaano sila katagal magkakalayo at ‘di magkikita, ‘wag daw nilang patagalin dahil baka makasira sa marriage nila, huh!

Nang tanungin namin si Mikael kung ano ang masasabi niya sa paghihiwalay nila ni Megan ngayon, biro nito sa zoom mediacon, “Si Megan? Sino ‘yon? Hahaha!”

“Well, the funny thing is, si Megan, noong binooked niya ang trip niya, na-miscalculate niya kung kailan ako aalis. So na-booked niya ang trip niya na pagbalik niya sa Pilipinas, nakaalis na ‘ko.

“Kaya sinabi ko, so, hindi na tayo magkikita pagka-alis mo? Sabi niya, ‘oh no!’ Natawa na lang ako so ‘di ko ine-expect yung haba na hindi kami magkikita.”

Sa isang banda, parang break or “me time” na rin nilang mag-asawa na simula nang ikasal sila, talagang ang mundo nila ay silang dalawa na.

Kaya sey rin ni Mikael, “Sa totoo lang, I’m excited kasi kaming mag-asawa, parang it’s getting better when new things is happening. Naka-lock down kami for two and a half years, so itong experience na ito para sa akin and para rin sa kanya, it’s gonna be fun.

“So, siyempre, baka makita natin ang BTS at Blackpink, so malay natin. At FOMO siya, excited ako na FOMO siya.” (Rose Garcia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.