Una sa Balita

Megan gustong-gusto nang magpakasal kay Mikael

By
0 2,581

Gusto na bang pakasal ni Megan Young sa kanyang dyowang si Mikael Daez?

Nagpapahiwatig na ba ito na sana ay alukin na siya nito ng kasal?

Taking after MJ 💐 #iROByouveryMAXX #MagalonaMananquil

A post shared by Megan Young (@meganbata) on

Ito nga raw ang impresyon ng mga netizen nang ilabas ang nakakatuwang video kung saan sa paghagis ni Maxene Magalona ng kanyang bridal bouquet ay talagang tumakbo ito at tinalon niya ang mga punpon ng bulaklak.

Kita talaga sa video na kinarir niya ang pagsalo nito na parang isang prize-possession na handang makipagpatayan para lamang mapa­sakamay niya, huh!

Napayuko pa nga siya ng makuha ito na parang ayaw niya talagang i-share sa iba. noh!

In fairness, hindi naman siya nawalan ng poise nung tinalon niya ang bouquet kahit na­ging katatawanan ang kanyang ginawa.

Well, ano kaya ang reaksiyon dito ni Mikael?

a) Namutla o pinagpawisan?
b) Na-excite din katulad ni Megan?
c) Nag-iisip na rin itong mag-propose sa ating Miss World?
Well, abangan!