Una sa Balita

Megan biktima ng kamalditahan ni Lauren

0 370

Inamin ni Lauren Young sa kanyang vlog ang pagkakaroon niya ng diva attitude.

Sa kanyang vlog entry na “BAKIT AKO TUMABA? DEBT, SELF LOVE AND FAMILY ISSUES,” kinumpisal ni Lauren na naging problema siyang katrabaho ng production people at nag-feeling sikat siya.

Masyado raw siyang reklamador noon at sinasadya niyang dumating ng late sa call time niya. Ngayon daw ay binago na niya ang attitude niyang iyon at nag-sorry ito sa mga taong nasaktan niya dahil sa kanyang pagiging spoiled brat sa trabaho.

“Akala ko sobrang perfect na nung buhay ko, yun pala hindi.

“And that was when it was brought to my attention na, actually, no, I’m not. Because I thought I was being funny, but actually I was such a brat on-set.

“So I was always making reklamo, I was always bitchy, and I was just so demanding, and judgmental towards my peers.

“That I realized I was the negative person on the set. And maybe I was the person that they didn’t want to work with. And so that was the first thing that I decided to change.

“I decided to change my professionalism.

“And it felt so much better just because I decided to not change the system, but because I decided to change myself.”

Inayos din ni Lauren ang relasyon niya sa kanyang pamilya. Matagal palang nagkaroon ng gap si Lauren at ang nakakatandang kapatid niyang si Miss World 2013 Megan Young. Ang boyfriend ni Megan na si Mikael Daez ang naging daan kung bakit muling nagkausap ang magkapatid.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy