Una sa Balita

Mega shopping para kina Sarah, Zion, Kai Richard tinakasan ang mga kasama sa Amerika

By
0 935

ORLANDO, FLORIDA – Last Friday morning (Friday evening naman sa atin dahil 12 hours behind dito), akala ko ay tulog pa si Richard Gutierrez dahil may jet lag nga at kagagaling lang namin ng Pilipinas, pero nagulat na lang kami ng mga taga-TFC (The Filipino Channel) na sina Ms. Rosary Escaño at Ms. Haphi Llaneza dahil ‘tinakasan’ na pala kami ng lovey-dovey ni Sarah Lahbati.

Ang aga palang nagising­ ni Richard, 6:00 AM at nang wala na siyang magawa, nagpunta na siya sa Millenia Mall nang 9:00 AM.

Akala pala ni Richard, tulog pa rin ako at ang mga taga-TFC, kaya nag-taxi na lang daw siya papunta sa nasabing mall dahil gusto niyang mag-shopping.

So, sinundan na lang namin siya sa Millenia Mall kung saan ay sabay-sabay na lang kaming nag-lunch ng mga taga-TFC at ilang organizers ng Fiesta Mo Sa Florida 2018.

Malayo-layo rin ang Millenia Mall sa hotel na tinuluyan namin at nag-Google lang daw kasi si Richard kung saan magandang mamili.

***

Sarah, Kai, Zion bakasyon grande sa Hong Kong

During lunch, naikuwento sa amin ni Richard na umalis din pala noong Friday ang mag-iina niya na sina Sa­rah, Zion at Baby Kai, plus the yaya papunta ng Hong Kong.

Bakasyon daw sa HK ng ilang araw ang kanyang mag-iina.

Aba, bongga si Baby Kai, four months old pa lang, jet setter na, huh!

Sabi nga pala ni Richard, gusto rin niyang mamili rin sa may mall sa Disney World dahil may mga bilin daw sa kanya ang anak na si Zion.

Actually, feeling ko nga ay sobrang miss na ni Richard ang kanyang mag-iina dahil panay ang video call niya sa mga ito.

“When I left kasi, tulog pa si Zion. Ginigising ko nga, hindi naman magising, kaya hindi ako nakapagpaalam sa kanya na aalis na,” sabi ni Richard.

Ah, kaya naman pala noong nasa Mabuhay Lounge kami ng Philippines Airlines noong paalis ng Pilipinas ay narinig ko na pinababalik siya ni Zion, no wonder, hindi pala siya nakita bago siya umalis ng bahay.

Anyway, as you read this, ginaganap na ang Fiesta Mo Sa Florida 2018 sa Kissimmee kung saan ay kasama ni Richard si Jessica Sanchez at hosts naman sina Ginger Conejero at Lee Robin Salazar na hosts ng TFC (The Filipino Channel) show na Adobo Nation.

Noong pre-pageant event naman (for Miss Fiesta Mo Sa Florida 2018) last Friday evening sa Orlando World Center Marriott naman, wala si Jessica dahil na-delay ang flight niya mula sa San Diego, California kung saan siya based, so sina Richard, Ginger at Lee Robin lang ang nandoroon.