Una sa Balita

Mega Q-Mart nasunog

By
0 1,076

Nagkagulo ang mga tindero at mamimili sa Mega Q-Mart ng biglang umusok at sabayan ng pagbuga ng apoy ang ilang tindahan sa EDSA Quezon City, kahapon nang madaling-araw.

Sa ulat ng Quezon City Bureau of Fire Protection (BFP), nabatid na alas-4:44 nang umaga ng magsimula ang apoy at agad itong itinaas sa ikaapat na alarma.

Nasa 20 tindahan o stall ang naabo sa sunog at 25 porsyento ng palengke ang tinupok sa bahagi ng dry good section.

Nadamay din ng sunog ang opisina ng palengke na sinasabing walang tao nang mangyari ang pagsiklab.

Tinatayang aabot isang milyon ang halaga ng napinsala ng sunog kasama na ang mga panindang naabo.

Ayon sa BFP, naideklara nilang under control ang sunog dakong alas-5:20 nang umaga.

Inaalam pa ng mga arson investigator kung ano ang sanhi ng sunog. Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa nasabing sunog.