Una sa Balita

Mega magazine founder Sari Yap sumakabilang-buhay na

0 268

NASAWI ang founder ng Mega Magazine na si Sari Yap nitong Setyembre 9.

Sa ipinalabas na pahayag ng Magazine sa kanilang Facebook page, nakasaad ang “Just as the heavens are draped in an overcast of gray, with rains threatening to fall as if it were tears above, it is with a heavy heart we mourn the passing of our founder and guiding light, Sari Yap, who peacefully joined our creator at 2:07 a.m. today, in the presence of her family who survives her.”

Ayon sa kanyang matalik na ­kaibigan na si socialite at event organizer na si Tim Yap, nakikipaglaban umano si Yap sa sakit na cancer may ilang taon na ang nakakalipas.

Nabatid na unang binigyan ng ­tatlong buwan para mabuhay ng kanyang ­doktor si Yap pero dahil likas itong fighter ay patuloy itong lumaban sa kanyang sakit hanggang tuluyang igupo ang kanyang katawan.

“She was given three months to live but ended up battling cancer for three to four years. A true fighter, indeed you are, Sari. And while her body was battling the Big C, she continued to heal others with her strength, her determination and her faith. You will be missed.” ayon kay Tim.

(Juliet de Loza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy