Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mega lotto jackpot nadale ng taga-Samar

0 98

Solong napanalunan ng taga-Eastern Samar ang MegaLotto 6/45 na may jackpot prize na P8,910,000.00 na binola Biyernes ng gabi.

Sa abiso mula kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma, ang nanalong ticket na may winning combination na 28 – 10 – 16 – 03 – 25 – 13 ay nabili sa isang lotto outlet sa Quinapondan, Eastern Samar.

Mayroon namang 88 mananaya ang nanalo ng 2nd prize na P32,000.00, nasa 2,864 manlalaro ang nanalo ng P1,000.00 at 35,085 ang winner ng P30.00.

Matatandaang solo ring napanalunan ng taga-Malabon ang MegaLotto 6/45 na may jackpot prize na P103,269,281.60 na ni-raffle noong June 17.

Samantala, wala namang nanalo sa Ultra Lotto 6/58 na may winning combination na 05 – 55 – 19 – 22 – 11 – 02 at may jackpot prize na P49,500,000.00. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.