Una sa Balita

Meg pantasya ng mga kalalakihan, ilusyon ng mga tomboy

By
0 463

Sooooper riot ang third episode ng Abantelliling namin ni Rey Puma­loy, na again ay sa ofiz ng Abante ginawa nang live, sa Karrivin Plaza, Makati.

Bongga at game na game nga sina Meg Imperial at Christian Bables sa lahat ng iniutos at tinanong namin ni Rey. At sa totoo lang, marami kaming natutunan sa kanilang dalawa.

Anyway, read niyo muna ang special chikahan namin ni Meg. At sa mga susunod na araw naman ay ang mga bonggang chikahan namin ni Christian ang abangan niyo.

Kuwento ni Meg, bumalik siya sa pag-aaral ngayon. Dahil gusto nga raw niyang paghandaan ang future niya.
“Right now nasa school ako na entrepreneurship.

“Pero siyempre, nandiyan pa rin ang mga TV at movie projects. Like ang alam ko kasama ako sa The General’s Daughter ng ABS-CBN. Then, may movie kaming ilalabas next month, ang Abay Babes: The Beach Wedding.

“Boyish ang role ko roon. Bestfriend ako ni Roxanne (Barcelo). May hidden agenda, desire ako sa isa sa mga Abay Babes.

“Nag-panic nga ang mga fans nung nakita na short hair na ako. Wig lang ‘yon, kasi nga boyish ang role ko.”

Bukod kina Meg at Roxanne, kasama rin sa Abay Babes sina Cristine Reyes, Nathalie Hart, Kylie Verzosa. At prodyus ito ng Viva Films.

Pero teka, may katomboyan ba siya sa katawan? Parang girl na girl kasi siya, na maarte nga ang dating.

“Medyo may pagka-boyish talaga ako. Hindi ako babaeng-babae talaga. Siguro ‘pag naka-dress doon lang ako girl, kailangan kasi, pero pag nasa normal na day, mga personal na lakad, with my friends, nandun ako sa boyish side. One of the boys talaga ako.

“And sa totoo lang, mas marami kasi akong kaibigan na boy. Siguro mas interesting ang mga napag-uusapan, eh. Sila ‘yung random ang topic.

“Pag girls kasi, nauuwi at nauuwi sa boys pa rin ang topic. So, doon ako sa mga medyo…

“Yung mga kilala ko kasi na boys, mga kaibigan ko, into business talaga sila. Sila ‘yung mga gusto kong kausap.”
May kaibigan ba siyang tomboy?

“Actually ang bestfriend ko ay butch (tomboy) at marami rin akong kaibigan na tomboy talaga, o ‘yung mga tago ang katomboyan. Sila ang peg ko sa movie.”

Niligawan ka na ba ng tomboy?

“Marami ring nag-attempt. Pero, pini-friendzone ko talaga. Alam mo naman sa sarili mo na kaibigan lang talaga ang tingin mo sa kanila.”

Pero, na-attract ka na ba sa mga tomboy?

“Hindi, eh. Wala naman. Clear ‘yon.”

Bakit tomboy ang bestfriend mo?

“Lagi kasi kaming nagkakasama noon. La­ging nagkakausap. Hindi na lang namin na­lamayan 8 years na pala ang friendship namin.

“Bago pa lang siya nakipagkaibigan sa akin, alam ko na agad na tomboy siya.”
Pero, hindi ka talaga tomboy, ha?

“Hindi po. Straight po ako. Hahahahaha!”

Nakailang boyfriend na siya, na straight talaga?

“So far lahat naman sila straight!”

 

 

Meg pamilya muna bago sariling kaligayahan

 

Anyway, napakabait na anak ni Meg, na tulad nga ng iba, gusto muna niyang big­yan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Breadwinner nga siya, na nagpapaaral ng kapatid, at nagbabayad ng kinuha nilang bahay para sa mas kumportableng pamumuhay ng mga mahal niya.

Pero, hindi ba siya napapagod maging breadwinner?

“Sometimes nakakapagod din. Kasi feeling mo your whole life nandun lang, hindi ka nagle-level up. Pero

nag-set na rin ako ng deadline sa sarili ko na by this time, dapat may ganito na sila, o may naibigay na akong maayos na negosyo sa kanila, para by then, na gusto ko na ngang mag-asawa, ang sarili ko naman ang iisipin ko,” sabi na lang ni Meg.

 

 

Katakam-takam sa mga boylet

 

‘Kung malandi ka, doon ka lang lalandiin ng mga lalaki…’ — Meg

 

Ano ang reaksiyon niya sa mga nagkakainteres lang sa katawan niya?

 

“Ah, alam ko ‘yan. The way they, ‘yung conversation, alam ko agad kung ‘yung guy ay hook up lang ang gusto. Sila ‘yung medyo clingy, physical, ma-touch. ‘Pag seryoso kasi, sila ‘yung takot kang hawakan agad-agad kasi they respect you. Gusto nila na kapag naging kayo, doon lang nila gusto na ma-feel ‘yon.

 

“‘Yung iba kasi, akala nila puwede kasi may sexy image ako. Pero, nasa iyo naman ‘yon. Kung malandi ka, doon sila makakakita ng opportunity. Nasa iyo naman ‘yon kung paano mo gusto na i-treat ka ng mga boys.”