Una sa Balita

Meg Imperial, may trauma sa showbiz guys!

By
0 5

Umiiwas na raw sa mga lalakeng taga-showbiz si Meg Imperial dahil ayaw na raw niya ng magulong buhay. Inamin ni Meg na may dine-date siyang isang non-showbiz guy at nagkakasundo raw sila. “I learned my lesson. Iwas na ako sa mga showbiz guys.

“Gusto ko rin na pagdating sa personal kong buhay, wala nang kinalaman ang showbiz. Ihihiwalay ko na ‘yung personal sa trabaho ko,” diin pa niya.

Ang maganda raw sa dine-date niya ngayon ay naiintindihan daw nito ang kanyang trabaho. Kung may times daw na kailangan nilang mag-cancel ng date dahil sa work niya, okey lang daw. “He understands my work and hindi kami nagtatalo.

“Basta open ang communication namin at ayaw naming pinag-aawayan namin ay ang work ko at ang work niya.

“Kaya very happy ako sa nangyayari ngayon. I think natagpuan ko na ang guy who totally gets me—yung naiintindihan ang takbo ng utak ko,” ngiti pa niya.

Busy ngayon si Meg dahil may bagong show siya ulit sa GMA-7 na Super Ma’am. Huli niyang show ay ang D’Originals.

Kapansin-pansin na malaki na ang pinayat nito ngayon.

“Hindi na kasi ako depressed. Happy na ako ngayon.

“Kapag depressed ako, kain lang ako nang kain. Nakakalimot ako sa sarili ko. Kaya tumataba ako.

“Now, everything is okay at may nagpapangiti sa akin. Basta, iba ang happiness ko ngayon,” pagtapos pa ni Meg Imperial.