Una sa Balita

Meg Imperial mag-aasawa na?

By
0 492

abante-paistaran-dondon-serminoUmamin nga si Meg Imperial sa Abantelliling­ online show namin ni Rey Pumaloy last Thursday, na kung saan ay kasabay niyang nag-guest ang bida ng Signal Rock na si Christian Bables.

Pero siyempre, ayaw na niyang detal­yehin kung sino ang boyfriend niya. “Non-showbiz siya. Mas marami kasi akong naging boyfriend na non-showbiz. Isa lang ang naging showbiz boyfriend ko, na officially, way back bagets days pa namin. Puppy love lang yon.”

So, may plano na silang pakasal?

“So far with my boyfriend now, okey pa kami. Naiintindihan niya ang work ko. hindi siya yung seloso na pinagbabawalan ako. Ako kasi I want freedom, eh. Gusto ko nagagawa ko ang mga nagagawa­ ko noon. Pero siyempre with restrictions pa rin.

“Okey lang sa kanya ang mga sexy photo ko. As long as hindi naman ako ganun in real life. Alam naman niya ‘yon.
“‘Yung boyfriend ko ngayon one year akong niligawan. Maganda yon, kasi nakuha talaga niya ang loob ng mommy ko.

Ibig sabihin malinis ang intensiyon niya.

“He’s only 28. So matagal pa. Hindi naman siya ganun. Hindi niya ako minamadali. Pinag-uusapan din namin ‘yon. Kasi pag seryoso naman ang relasyon, normal naman na pag-usapan `yon.

“Pero siguro we need to put up muna ng business. Prepare muna para sa future.”

So, five years from now pa ang kasal?

“Five years from now. Gusto ko maging stable na muna ang family ko.

“Ako kasi ang breadwinner. Nagpapaaral pa ako ng kapatid ko.

“Kaya mas gusto ko talaga na mag-venture ako sa business, kaya ako nag-aral ng entrepreneurship. Of course hindi naman forever ang pag-aartista.

“Kailangan ko rin mag-save up. Para magtuloy ang success mo in life. Kailangan mag-invest ka rin. Kasi pag wala ka na sa showbiz, magagastos mo rin ang mga naipon mo ‘pag wala kang business.

“Gusto kong mag-put up ng salon, or apartment, sila yung hindi nawawala. Invest din sa lupa. I have salon na in Bicol, at gusto ko siyang dalhin dito sa Manila. Dalawang branch in Bicol. Timeless Beauty by Meg Imperial.

“So, maraming plano, maraming kailangang datung. Next year mag-open up na ang mga planong business.

“Gusto namin ng boyfriend ko na mag-open din muna ng restoran. Gusto ko talaga maraming ginagawa.

“Kaya wala pang planong mag-asawa,” sabi na lang ni Meg, na bida rin sa pelikulang Abay Babes ng Viva Films.

Boyfriend material si JM de Guzman — Meg

At kasama si JM de Guzman sa mga na­ging dyowa niyang straight?

“Hindi naman naging kami. Pero, nagkaroon kami ng mutual understanding noon. Pero hindi siya umabot sa point na naging kami talaga. Ayan na naman, si JM na naman ang to­pic. Hahahaha!”

Sabi kasi, mahirap kang makalimutan ni JM, dahil kahit nung na-rehab siya, hindi ka nawala sa buhay niya?
“Friends kasi talaga kami kahit nung bagets pa lang kami. Siguro 11 pa lang ako kaibigan ko na siya. Sa PTV-4 pa yata ‘yon.

“May foundation kumbaga ang friendship. At wala naman siyang ginawang masama sa akin para hindi ko siya suportahan sa sitwasyon niya.”

Bakit hindi naging sila talaga?

“Hindi rin siguro timing noon. Like right now, I’m currently dating.”

Hindi mo siya nagustuhan?

“I don’t know? He’s a boyfriend material. Very gentle. Respectful­ both sa iyo at sa pa­rents. Pero, I don’t know? But okey pa rin kami.”