Una sa Balita

Meg Imperial, dumaan sa matinding depression!

By
0 17

Busy ngayon si Meg Imperial, dahil may bagong show siya ulit sa GMA-7, ang Super Ma’am na pinagbibidahan ni Marian Rivera. Ang huli niyang show ay ang D’Originals.

Pero, kapansin-pansin nga ang pagpayat niya, ha! Hindi na siya tabachingching na tulad noon. Ngayon ay lutang na lutang na ang kaseksihan niya.

“Hindi na kasi ako depressed. Happy na ako ngayon.

“Kapag depressed ako, kain lang ako nang kain. Nakakalimot ako sa sarili ko. Kaya tumataba ako.

“Now, everything is okay at may nagpapangiti sa akin. Basta, iba ang happiness ko ngayon,” sabi ni Meg.

Non-showbiz nga ang nagpapasaya sa kanya ngayon. Ayaw na raw niya sa mga showbiz boys.

“I learned my lesson. Iwas na ako sa mga showbiz guys.

“Gusto ko rin na pagdating sa personal kong buhay, wala nang kinalaman ang showbiz. Ihihiwalay ko na ‘yung personal sa trabaho ko,” diin pa niya.

“Kaya very happy ako sa nangyayari ngayon. I think natagpuan ko na ang guy who totally gets me—yung naiintindihan ang takbo ng utak ko,” sabi pa niya. ()