Una sa Balita

Meet Me Halfway

By
0 309

Ika-9 na labas

“A-alam mo kasi Scott, ‘di ba dati nabanggit ko sa’yo na madalas akong managinip ng tungkol sa tubig, it’s either baha, or tsunami, or alon, pero ngayon kasi kakaiba eh, natakot talaga ko, kasama kita pero, kasi pinaghiwalay tayo ng malaking alon… bukod sa hindi ako marunong lumangoy, nakabitiw pa ko sa’yo… natakot talaga ko…”

Inakbayan ni Scott si Gillian.

“Okay, naiintindihan ko na… naiintindihan kita… pero panaginip lang ‘yon mahal… kung anuman ang ipinapahiwatig no’n, don’t worry, nandito lang ako palagi para sa’yo, hindi kita iiwan at hindi kita pababayaan okay?”

Tumango-tango ang dalaga.

“So pa’no, dito ka na ba magpapalipas ng gabi or ihahatid kita sa inyo?”

“Pwede bang dito na lang ako matulog, aagahan ko na lang ang uwi bukas?”

“I’m glad. Ise-set ko na lang ang alarm clock para makauwi ka ng maaga.”

Dahil sa naging pasya ay napanatag na si Gillian. Mahimbing siyang nakatulog habang nakaunan sa braso ni Scott. Si Scott naman ang hindi na dinalaw ng antok. Nakatitig lang siya sa dalaga at hinahaplos-haplos ang mahaba nitong buhok. Maya-maya ay naisipan niyang magbasa na lang ng libro habang binabantayan sa pagtulog ang nobya. Baka kasi managinip na naman ito. Pero hindi na nanaginip si Gillian. Payapa itong nakatulog nang nakayakap sa dibdib ng binata.

After a week, sa wakas ay lalabas na rin ang resulta ng pinakahihintay ni Gillian na promotion sa trabaho.

Habang nagtatrabaho sa line ay hindi mapakali ang dalaga kaya nilapitan siya ng bff niyang si Riza.

“Bff, one hour na lang i-aannounce na si sir ang bagong production supervisor! At nararamdaman ko na, na ikaw ‘yon!”

“Heh! Dinadagdagan mo ang kaba ko, pero sana nga magdilang anghel ka!”

“Magdidilang anghel talaga ko, dahil isa akong angel in disguise!”

“Ikaw na!”

Samantala. Hindi nakapasok si Scott sa trabaho dahil sa sakit ng ulong nararamdaman. Nasa loob lang siya ng silid at nakahiga.

“Aaaahhhh!” halos mapasigaw siya sa sakit ng ulo na nararamdaman.

Lumabas siya ng silid at tinungo ang kusina. Uminom ng tubig. Nagtungo rin siya sa banyo para mag-shower sa pag-asang maiibsan ng tubig ang nararamdaman. Pero nabigo siya.

Matapos maligo ay muli siyang nahiga sa kama at pinakiramdaman ang sarili. Subalit tila hindi nababawasan at sa halip ay nadaragdagan pa ang sakit na nararamdaman ni Scott.

Related Posts

Bumangon siya at humakbang palabas ng bahay.

Hindi niya ugaling magpatingin sa doktor pero sa pagkakataong ito tila hindi na niya kayang tiisin pa ang sakit kaya nagdesisyon na siya. Pupunta siya sa doktor.

Subalit dahil sa unti-unting panlalabo ng paningin at pagkahilo ay hindi napansin ni Scott ang parating na kotse.

“EEEEEE!” ang malakas na sigaw ni Gillian nang iabot sa kanya ng manager ang promotion paper.

Tuwang-tuwa ring nakitili sa kanya si Riza.

“Congratulations, Gillian!” bati ng manager.

“Thank you sir! Thank you so much!”

“Starting next week, mahahawakan mo na ang posisyon mo, but before that, kailangan mo munang mag-undergo ng orientation for your position.”
“Yes sir!”

Nang makaalis ang manager ay tuwang-tuwang nagyakap ang mag-bestfriend. Subalit sa pagkakayakap ni Gillian ay tila may iba siyang naramdaman. Parang biglang kumabog ang dibdib niya.

“Bff bakit?” tanong ni Riza.

“W-wala, parang bigla lang akong kinabahan?”

“Naku, excitement lang ‘yan!”

Sumang-ayon na lang si Gillian sa kaibigan.

Excited si Gillian na ibalita kay Scott ang promotion niya. Alam niya kasing matutuwa ito dahil kaakibat ng promotion niya ang plano nilang pagpapakasal. Kaya naman sa apartment muna nito siya tumuloy.

“LOVE!” malakas na tawag niya.

Dahil walang tugon sa mga katok niya kaya kinuha na lang niya ang duplicate key para mabuksan ang pinto.

“Love, asan ka?”

Nalibot na ni Gillian ang kabahayan pero wala ang binata.

“Bakit kaya? Baka nag-overtime, dapat nandito na siya sa ganitong oras eh…”

Naghintay si Gillian. Inilatag niya ang katawan sa kama at dahil sa pagod ay hindi niya namalayang napaidlip na pala siya. Pero wala pa rin si Scott. (Itutuloy)