Una sa Balita

Meet Me Halfway

By
0 322

Ika-8 na labas

Dahil nag-uumapaw ang pagmamahal kaya muli nilang niyakap ang isa’t isa para tugunan ang tawag ng pag-ibig. Muli’t muli nilang patutunayan sa kanilang mga puso ang nararamdaman.

Dahil nag-uumapaw ang pagmamahal kaya muli nilang niyakap ang isa’t isa para tugunan ang tawag ng pag-ibig.

Muli’t muli nilang patutunayan sa kanilang mga puso ang nararamdaman.Rest day. Naisipan nina Scott at Gillian na magbisikleta, pero nakaangkas lang sa binata si Gillian dahil hindi niya ito natutunan.“O, ano mabigat ba’ko?” tanong ng dalaga nang magsimula nang tumipa si Scott.“Syempre hindi.

”“Saan ba tayo pupunta?”“Maglilibot-libot lang, gusto mo bang ma­mingwit ng isda?”“Pwede rin, hindi pa natin nagagawa ‘yon diba?”“Oo, kaya subukan natin.”Sa isang ilog sila humantong. Umarkila sila ng pamingwit. Magkatabi silang naupo sa batuhan habang naghihintay ng huli.

Kinuha ni Gillian ang cellphone sa bulsa at nag-selfie ulit sila habang hawak ang pamingwit.Sa tagal ng oras na pinaghintay nila, isang isda lang ang nakuha nila. Nagpasya silang ibalik na lang sa ilog ang isda.

Natatawa silang kapwa nahiga sa damuhan.“Grabe, ang hirap pala ano?” si Gillian na hindi makapaniwala.“Okay lang love, hindi naman nasayang ang oras natin eh, kasi kasama natin ang isa’t isa, I’m happy with that.” Ani Scott na nakatingala sa langit.“Kunsabagay, walang sayang na oras kapag kasama kita.

Related Posts

”Hinawakan ni Scott ang kamay ni Gillian at dinala sa dibdib niya.“I love you Gillian…more than anything in this world…more than I love myself…when you are happy, I’ll be happier…and when you feel  sadness, I feel it twice…”Tumingin si Gillian sa binata habang nananatili silang nakahiga sa damuhan at magkahawak kamay.“That’s why I love you too…and I love you even more than the day before…”Bumangon si Scott mula sa pagkakahiga at naupo na hawak pa rin ang kamay ng dalaga.  Naupo rin si Gillian.

“We never know what the future holds, pero umaasa ako na tayong dalawa pa rin sa huli…”“Teka, iniisip mo ba na magkakalayo tayo?” kunot-noong tanong ni Gillian.“Of course not, gusto ko lang na maging handa tayo sa lahat ng pwedeng mangyari and at the same time gusto ko na maging matatag tayo sa lahat ng pagsubok na posible nating pagdaanan.”“May point ka, kasi lahat naman ng relationship dumadaan sa pagsubok.

Pero sana kung anuman ang pagsubok na naghihintay sa’tin, sana malampasan natin ng hawak kamay.”Dinala ni Scott ang kamay ni Gillian sa labi niya at masuyong hinagkan. Tanda ng pagsang-ayon dito.

Isinandal naman ni Gillian ang ulo niya sa balikat ng binata. Pinanood nila ang paglubog ng araw nang magkahawak ng mahigpit ang kanilang mga kamay.Kalaliman ng gabi. Dinalaw si Gillian ng isang panaginip na tila bangungot na dahil sa takot na naramdaman niya dito.

Isang malaking alon ang handang sumalpok sa kanila ni Scott. Tila galit na galit ang tubig na nagpahiwalay sa magkahawak nilang mga kamay. Ubod lakas na sigaw ang pinakawalan ni Gillian pero walang sound na lumabas sa bibig.Nagising siya na hingal na hingal at tumatagtak ang pawis.“Scott…”Nilinga niya ang paningin sa bawat sulok ng kanyang silid.

Malamlam na ilaw lang ang tumatanglaw sa kabuuan ng silid mula sa lamp shade kaya wala siya halos makita. Tumingin siya sa bintana.Nagulat si Scott nang buksan ang pinto at mapagsino ang kumatok.

“Gillian!”Agad na yumakap ang dalaga sa nabiglang binata.“T-teka, may nangyari ba? dis oras na ng gabi ah!”“Wala, walang nangyari, sobrang sama kasi ng panaginip ko kaya naisipan kong puntahan ka…baka kasi…”“Baka may nangyari na sa’kin? Lika nga, pasok ka muna.

”Pinainom ni Scott ng tubig ang nobya. Nang kumalma na ito ay pinaupo niya ito sa sofa at tinabihan.“Love, alam ba ng inang mo na nagpunta ka dito?”“Syempre hindi. Dumaan ulit ako sa bintana.”“Teka, ano bang napanaginipan mo para mapasugod ka dito?” (Itutuloy)