Una sa Balita

Meet Me Halfway

By
0 309

Ika-7 na labas

Kinuha mula roon ang marijuana. Napatingin si Gillian.

“Love, will you please stop that thing?”

Nilingon ni Scott ang dalaga.

“Konti-konti lang love, hindi naman ito ­makakasama sa akin, in fact it helps my body.”
Napapailing si Gillian. Binitawan nito ang libro at kumandong sa nobyo.

“Sige nga, kung talagang hindi ‘yan masama sige turuan mo ako kung paano ‘yan.”

“What?” napakunot-noo si Scott.

“Why not?”

“No Gillian. Sanay na ako rito pero hindi ikaw, hindi tayo magkapareho ng pangangatawan.”

Umalis si Gillian sa pagkakakandong sa binata at binalikan ang binabasa.

“Nagpapaalala lang ako sa’yo, kasi alam mo ­namang bawal ‘yan dito sa bansa natin diba.”
“I know, hindi mo naman siguro ako isusuplong right?”

Hindi kumibo ang dalaga. Tumayo si Scott at lumabas ng silid. Pagbalik nito ay may dala na itong dalawang bote ng beer.

“Gusto mo?” alok nito sa dalaga.

“Wala ako sa mood uminom, ikaw na lang.”

“Okay.”

Ipinagpatuloy ni Scott ang pag-scroll sa Facebook habang nagma-marijuana at umiinom. Panay naman ang sulyap sa kanya ni Gillian.

Sa isip ng dalaga, kapag nalaman ng mga magulang niya na ganito si Scott, mas lalong hindi nila nito magu­gustuhan. Pero gayunpaman hindi nababawasan ang pagmamahal niya dito. Anuman ang maging kakulangan o pagkakamali ni Scott, mamahalin pa rin niya ito ng buong-buo, ng walang kondisyon, dahil iyon ang idinidikta ng kanyang puso.

Humikab ang dalaga at kasunod noon ay ­napapikit na ang mga mata nito. Nalingunan siya ni Scott at napangiti ito. Tumayo ang binata at kinuha ang kumot. Maingat nitong kinumutan si Gillian at kinuha ang libro sa kamay nito at saka ibinalik sa shelve. Pagkatapos ay naupo ito sa gilid ng kama at masuyong hinagkan sa noo ang dalaga.

Makalipas ang ilang sandali ay nagmulat ng mata si Gillian. Inilinga niya ang paningin. Wala si Scott sa silid. Pero naamoy niya ang tila masarap na niluluto nito. Tumingala ang dalaga sa orasan na nakasabit sa wall sa ulunan niya.

“Ha? gabi na pala!”

Bumangon ito at tinungo ang kusina kung saan naabutan niyang abala si Scott sa pagluluto. ­Yumakap siya mula sa likuran nito na ikinagulat pa ng binata.

“Ano ‘yan?” malambing niyang tanong maski nakikita na niya kung ano iyon.

“As usual, ang tanging luto na kaya kong ­i-perfect, fried tocino!”

“Hmm, my favorite!”

“I know, kaya nga ito ang pinrepare ko eh para sa dinner natin tonight.”

Naupo si Gillian sa table. Nalungkot ang mukha.

“O bakit?”

“Wala, kasi nalulungkot lang ako dahil hindi ako pwedeng matulog dito ngayon.”

“Oo nga pala, grounded ka.”

“Hindi naman sa grounded, kaya lang nahihiya lang kasi ako kina inang at itang…”

Related Posts

“Don’t worry love, you can come back ­naman here anytime na gusto mo, ‘wag lang working hours ko.” nakangiting sabi ni Scott.

“Kunsabagay, saka sabay naman ang rest day natin kaya okay na rin ‘yon.”

Tinulungan ni Gillian na maghain ng hapunan nila si Scott. Habang kumakain ay sige lang ang ­kuwentuhan nila. May sense o non-sense basta may pinag-uusapan sila ay pareho na silang masaya.

Matapos kumain ay nag-volunteer si Gillian na maghugas ng pinggan. Matapos ito ay bumalik siya sa silid. Naabutan niyang hinihimas ni Scott ang batok niya na tila sumasakit ito.

“Love, bakit?”

“W-wala, medyo nangawit lang siguro.”

“Nangawit saan?”

Hindi sumagot ang binata.

“Halika, upo ka dito.” Aya ni Gillian na nauna nang maupo sa gilid ng kama. Sumunod ang binata.

Nang nakaupo na si Scott ay lumipat si ­Gillian sa likuran niya at umupo ito nang paluhod. ­Sinimulan nito ang pagmamasahe sa kanya, mula sa batok pababa sa likod.

“Ang sarap ng ginagawa mo mahal…kaya ­mahal na mahal kita eh…”

“Hindi nga ako marunong magmasahe eh, pero kahit papa’no mababawasan nito ang pananakit ng batok at likod mo.”

Pumikit si Scott. Dinama ang masarap na pagmamasahe sa kanya ni Gillian.

“Mahal, naisip ko lang, paano nga pala kung mag-decide na tayong magpakasal, pupuntahan ba natin ang parents mo at saka ‘yung ate mo?”

Napadilat si Scott. Pero hindi agad makasagot.

“Scott, I know hindi ka close sa kanila, you’re not get along with them, pero kahit na ano pa ang sabihin mo at kahit ano pa ang mangyari ­pamilya mo sila at natural lang na maging part sila ng ­wedding natin ‘di ba?”

“Okay, sasabihan ko na lang sila, alam naman nila kung saan ako matatagpuan eh.”

“Sasabihan? You mean tatawagan, hindi man lang ba tayo mag-e-effort na puntahan sila para ­masabi natin sa kanila ng personal?”

“Gillian, ayan ka na naman eh, first of all ­hindi ka pa nga pumapayag na magpakasal na tayo, ­secondly alam mo naman ang stand ko tungkol sa bagay na ‘yan ‘di ba?”

Tatahimik na si Gillian. Ayaw niyang ­pahabain pa ang usapang iyon na baka mauwi lang sa ­pag­tatalo kung dudugtungan pa niya.

Humarap sa kanya si Scott at walang anu-anong hinalikan siya sa labi. Bahagya niya itong itinulak.
“Bakit?” tanong ng binata.
“Are we going to make love again?”
“Ayaw mo ba?”
“Pero…”
“Love, hindi ka naman matutulog dito ‘di ba, at malamang ilang gabi, kaya please pagbigyan mo na’ko, let’s make love again before you go…” ­halos pabulong na sabi ng binata habang hina­hagkan nito ang teynga at leeg ng dalaga.

Muling pinigilan ni Gillian si Scott.

“O, bakit na naman?”

“Mag-selfie muna tayo.” Nakangiting sabi ng dalaga.

“Selfie talaga?”

Ipinokus ni Gillian ang cellphone sa mukha nila ni Scott na magkadikit para sa unang shot.

Ang pangalawang shot ay nakahalik sa pisngi niya ang binata. At ang pangatlo ay ang close up na lips to lips nila.

“Teka, iaapload mo ba ‘yan?” tanong ni Scott.

“Yes! At gagawin ko pang profile pic ang isa!”

Natawa si Scott at saka ipinagpatuloy ang nais gawin.

Hindi na umimik si Gillian at hindi na rin niya pinigilan si Scott. (Itutuloy)