Una sa Balita

Meet Me Halfway

By
0 309

Ika-6 na labas

Huminto sa pagla­lakad si Gillian at pinisil sa pisngi ang nobyo.

“Ang sweeeeeettt mo talaga, kaya love na love kita eh!”

“Matagal ko ng alam.”

Nagpatuloy sila sa paglakad.

“By the way, kumusta na nga pala kayo ng inang mo?”

“Ayun, medyo masama pa rin ang loob niya, pero don’t ­worry, kilala ko naman si inang eh hindi naman ako matitiis no’n. Magiging okay rin kami.”

“Magpakasal na kasi tayo mahal para wala ng dahilan ang inang mo na magalit sa’kin.”
Muling huminto sa paglakad si Gillian at humarap kay Scott.

“Okay sige ­ganito na lang, next week magkakaroon ng promotion sa company namin, kapag ako ang napili papayag na ko na magpakasal tayo, pero kung hindi, maghintay pa tayo at least one more year.”

Nangislap ang mga mata ng binata.

“Talaga? Okay ipagpe-pray ko na lang na ma-promote ka na para naman maging Mrs. Scott Grimes ka na!”

“Wow, gusto ko ‘yan, Mrs. Scott Gillian Maravilla Grimes!”

“O ‘di ba, bagay na bagay sa’yo!”

“I Know.”

Si Scott naman ang huminto sa paglakad.

“O bakit?”

Sa halip na sumagot ay biglang binuhat ng binata ang dalaga na ikinagulat nito.

“T-teka, anong gina­gawa mo? Ibaba mo nga ako!”

Pero hindi siya nito ibinaba sa halip ay isinayaw-sayaw pa habang buhat.

“Masayang-masaya lang ako kasi kahit pa’no nagkaroon ako ng pag-asa sa matagal ko ng hinihiling sa’yo!”

“Oo na, oo na, tutulungan kitang mag-pray na ma-promote na ko para makapagpakasal na tayo!”

Marahang ibinaba ni Scott si Gillian, kasunod noon ay ang biglaang pagpatak ng ulan.

“Grabe, bakit biglang umulan, ni hindi man lang nangulimlim?” nagtatakang tanong ni Gillian habang naghahanap ng masisingulan nila si Scott.

“Ganyan na ­talaga ang panahon ngayon, ­biglang aaraw, biglang uulan.”

Hinawakan ni Scott ang kamay ng dalaga at patakbo nilang tinungo ang isang lilim ng puno.
“Wait lang, mababasa rin tayo diyan.” Si Gillian.

“Gano’n ba, e ‘di no choice tayo, malayo pa ang waiting shed, madalang naman ang sasakyan, bago pa tayo makasakay basa na tayo, buti pa i-enjoy na lang natin ang ulan?”

Related Posts

“H-ha? ibig sabihin, hindi na tatayo papasok sa work?”

“Ano sa tingin mo?”

Saglit na nag-isip si Gillian. Tumingala sa langit na patuloy na nagbabagsak ng ulan.

“Mukhang wala naman na talaga tayong choice, kasi basa na tayo pareho.” May lungkot sa tinig ng dalaga.

“It’s okay my love, I think basbas ‘yan ng ­langit para sa mga plano natin.”

“Talaga?”

Hindi sumagot si Scott. Sa halip ay tini­tigan nito ang maamong mukha ng dalaga. Napatitig rin si Gillian. Saglit na namagitan sa kanila ang katahimikang sinasaliwan ng musika na tanging ang mga puso lang nila ang nakakari­nig. Unti-unti ay inilapat ni Scott ang labi niya sa mga labi ng dalaga. Tinugunan naman iyon ni Gillian.

Tila nagbunyi ang kalangitan nang bumuhos pa ang malakas na ulan. Sinaksihan at sinang-ayunan ang pag-ibig na naghahari sa da­lawang pusong labis ang pagmamahal na nadarama para sa isa’t isa.

Sa apartment ng binata tumuloy ang dalawa.

“Alam mo parang blessings in disguise na rin ang nangyari love, kasi kahit hindi tayo nakapasok sa mga trabaho natin at least makaka­sama natin ang isa’t isa buong maghapon ‘di ba?” nakangiting sabi ni Scott habang nag­huhubad ng sapatos.

Inilapag ni Gillian ang bag niya sa center table.

“May point ka pero bawas point ‘yun sa performance ko sa trabaho, baka mamaya niyan hindi ako ma-promote.”

“Ano ka ba naman, ngayon ka nga lang ­umabsent eh, kahit ho­liday pumapasok ka, kaya siguro naman hindi sila magiging inconsiderate.”

“Okay. Tatawag na lang ako.”

“Good.”

Habang nagda-dial sa phone niya si Gillian ay niyakap siya ni Scott mula sa likuran.
“Love, I need to call, okay.”

“Okay, I know, pero after that sunod ka sa’kin ha, sabay tayong mag-shower.” Malam­bing na hiling ng binata.

Isang matamis na ngiti ang itinugon ng dalaga at nakipag-usap na ito sa tinawagan. Nauna na si Scott sa banyo.

Matapos mag-sho­wer nang sabay ay naupo sa harap ng compu­ter si Scott. Si Gillian naman ay humawak ng lib­ro mula sa book shelves ng binata at inumpisa­hang magbasa habang nakahiga sa kama.

“Love, nagpapaantok ka na naman ba kaya humawak ka na naman ng libro ko?”

“I want to take a nap.”

“Okay.”

Alam kasi ni Scott na kapag nagbabasa si Gillian ay madali itong nakakatulog.

“Mahal, tanong lang, lahat ba ng mga ­libro mo nabasa mo na?”

“No. Bakit mo natanong?”

“Wala lang, ang dami mo na kasing mga books.”

Saglit na huminto sa pagco-computer ang binata at binuksan ang drawer niya. (Itutuloy)