Una sa Balita

Meet Me Halfway

By
0 322

Ika-5 na labas

Hinawakan ni Scott ang isang kamay ni Gillian na nakapatong sa ibabaw ng table.

“What do you want me to do, gusto mo bang kausapin ko ang inang mo?”

“No. Hindi na kailangan, ako na ang bahalang kumausap sa kanya.”

“So, pa’no ‘yan, ibig sabihin ba nito hindi tayo magkakasama mamayang gabi?”

“My love, sana maintindihan mo.”

“Of course.”

Dumating na ang waiter dala ang pagkain nila. Matapos sa restaurant ay dumiretso sila sa park. Paborito nilang tumambay sa ilalim ng malaking puno ng Mangga. Magkatabi silang naupo sa damuhan.

“Grabe ang bilis ng oras, dati nakasilong tayo dito kasi mainit, pero ngayon nakalubog na pala ang araw…” si Gillian.

“Oo nga eh, ang paglipas ng panahon parang blink of an eye lang.”

“Kaya ‘wag kang maiinip ha, bukas makalawa lang hindi mo namamalayan na kasal na pala tayo at meron ng mga tsikiting.”

Napatingin si Scott kay Gillian.

“O, ba’t ganyan ang tingin mo, ayaw mo bang magkaanak tayo?”

“Hindi naman sa gano’n, pero alam mo mahal, kahit hindi tayo magkaanak, mamahalin pa rin kita ng buo, kahit tayong dalawa lang.”

“Talaga? touch naman ako… pero syempre, gusto ko pa rin na magkaanak tayo.” Nakangiting giit ng dalaga.

Inakbayan ni Scott si Gillian at inilapit sa dibdib niya.

“Ikaw lang sapat na, para mabuhay ako ng masaya.”

Hindi na umimik si Gillian kahit pa tila nahihimigan niyang ayaw ni Scott ng anak. Inihilig na lang niya ang ulo sa balikat nito.

Related Posts

Urong-sulong si Gillian sa paglapit sa ina. Ramdam kasi niyang masama pa ang loob nito sa kanya. Nagkikilo ito ng bigas na paninda nila na mula rin sa sinasakang bukid ni Mang Cardo.

“Ahm, inang, mano po.”

Hindi ibinigay ni Aling Rosa ang kamay sa anak. Naisipan ni Gillian na iabot dito ang pasalubong niya.

“Inang, may dala nga po pala ako sa inyo, ‘yung paborito n’yo pong prutas, ponkan.”

Wala pa ring tugon mula sa ina. Humakbang na ang dalaga papasok ng silid.

“Gillian.”

Napahinto ang dalaga at lumingon sa ina.

“Kung tatakas ka ulit mamaya, dalhin mo na ang mga gamit mo roon sa apartment ng Scott na ‘yon.”

“I-inang… dito po ako matutulog sa’tin.”

Pagkasabi niyon ay pumasok na ang dalaga sa sariling silid. Siyang dating naman ni Mang Cardo na narinig pala ang sinabi ng asawa.

“Rosa, ‘wag mo na masyadong higpitan ang anak mo, bente sais na siya, may stable na trabaho, kung tutuusin nga pwedeng-pwede na siya mag-asawa kaya hayaan na lang natin siya kung masaya talaga siya sa lalaking ‘yon.”

Tumaas ang kilay at boses ng matandang babae.

“Ano kamo? Hayaan? Hoy Cardo nag-iisip ka ba? kung matino ang pag-iisip ng lalaking ‘yon e ‘di sana pinakasalan niya muna ang anak ko bago niya kalantariin sa gabi! Aba’y anong klaseng relasyon ba meron sila?”

“Pareho na silang may hustong gulang para malaman ang ginagawa nila kung tama o mali, at kung magkamali sila e ‘di hayaan din natin na matuto sila sa sarili nila.”

“Ewan ko sa’yo, basta ako, hindi talaga ako pabor sa lalaking ‘yon.” Inis na iniwan ni Aling Rosa ang ginagawa at pumasok sa kusina.

Mula naman sa likuran ng pintuan ng sariling silid ay nakasandal si Gillian at pinakinggan ang naging konbersasyon ng mga magulang tungkol sa kanila ni Scott.

“Mabuti pa si itang, naiintindihan niya kami ni Scott…” sa isip ng dalaga.

Magkasabay na naglalakad sa malawak na kalye ng San Marcelino sina Scott at Gillian. Kapwa papasok sa trabaho.

“My love, sure ka ba na lalakarin talaga natin hanggang sa company ko?”

“Ngayon lang halos magkakasabay ang shift natin sa work kaya samantalahin na natin ang pagkakataon na’to, kaya nga inagahan natin ang pasok diba para makapag-moment tayo habang naglalakad.” (Itutuloy)