Una sa Balita

Meet Me Halfway

By
0 309

Ika-4 na labas

No choice si Gillian kundi pumasok na sa nakabukas na bintana. Urong-sulong pa siya sa paglapit sa kama nang magmulat ng mata si Aling Rosa. Bumangon ito at tumingin nang diretso sa mga mata niya.

Abante Hiring – IT dep

“O Gillian, nandito ka na pala, sinadya kong iwang bukas ang bintana para hindi ka na mahirapan pagbalik mo, ganyan pala ang gawain mo, kelan pa Gillian, kelan mo pa kami niloloko ng itang mo? At kelan pa namin ito dapat malaman, kapag buntis ka na?”

Hindi makaimik ang dalaga. Aminado siya sa kasalanan.

“Sinasabi ko na nga ba at masamang impluwensya sa’yo ang lalaking ‘yon, dahil sa kanya nagagawa mo na ang mga bagay na hindi mo kayang gawin sa amin, ang magsinungaling at tumakas.”

“I-inang, s-sorry na po, pero sarili ko naman pong idea ‘to, hindi po ito kasalanan ni Scott.”
“Hala sige, ipagtanggol mo pa ang nobyo mo sa abot ng makakaya mo, ito lang ang sasabihin ko sa’yo, hindi siya karapat-dapat sa’yo at mapapatunayan mo ‘yan sa sarili mo balang araw.”

“Inang naman, paalala po ba ‘yan o sumpa?”

Sa halip sa sumagot ay galit na tinalikuran ni Aling Rosa ang anak.

Napahugot ng malalim na buntong hininga si Gillian. Nanlulumong napaupo siya sa gilid ng kama.

Ready na siya para pumasok sa trabaho pero mabigat na mabigat ang dibdib niya. Mula kasi kanina ay hindi pa siya kinikibo ng ina. Ni hindi siya inalok nito na mag-agahan kaya nagkape na lang siya.

“Inang, papasok na po ako.” Paalam niya.

Walang tugon mula sa ina. Patuloy lang ito sa paghuhugas ng mga plato.

Mabibigat ang mga hakbang na lumabas na ng bahay si Gillian. Nakasalubong niya ang ama na mula sa bukid.

“Itang, papasok na po ako.”

“O, nagkausap na ba kayo ng inang mo?”

Umiling ang dalaga.

“Tang, sorry po… galit pa po si inang at alam ko pong masama din ang loob nyo sa’kin…”

“Anak, malaki ka na, nasa hustong pag-iisip ka na para malaman mo ang tama at mali, kami ng inang mo ay walang ibang nais kundi ang ikasisiya mo, pero sana ‘wag kang magmahal ng ibang tao ng higit sa sarili mo.”

Tumango-tango si Gillian.

“Opo itang… tatandaan ko po ang sinabi nyo, salamat po.”

Kahit papa’no ay nabawasan ang bigat sa dibdib ni Gillian dahil sa tinuran ng ama.

Dahil maagang nakalabas sa trabaho si Scott kaya nagpasya siyang sunduin si Gillian.

Nagulat pa ang dalaga nang makita siya sa waiting shed na nasa labas ng gate ng company.

Related Posts

“Love! Buti na lang at sinabi sa’kin ni manong guard na nandito ka sa labas, at buti na lang din wala akong OT… sorpresa ba’to o suspetsa?”

“Anong suspetsa?”

“Baka lang kasi nagsususpetsa ka sa’kin.”

“Bakit may dahilan ba para magsuspetsa ako?”

Lumapit si Gillian sa nobyo.

“E bakit kasi magkatext naman tayo kanina pero hindi mo man lang nabanggit sa’kin na susunduin mo ko?”

“So what? I just wanted to surprise you.”

“Okay, fine, naniniwala na’ko.”

Umabrisyete si Gillian kay Scott.

“So where do we go from here?” tanong ng dalaga.

“Ahm, ikaw, saan mo ba gusto?”

“Gusto ko do’n sa favorite nating resto, sa seafood restaurant, and then gora tayo sa park.”
“Old school na old school ah.”

“Ah basta, saka isa pa, may gusto kong sabihin sa’yo.”

“Okay, anything, ‘wag lang break up ha.”

Natawa si Gillian.

“Don’t worry, hindi ako makikipag-break.”

Sumakay sila ng taxi at tinungo ang restaurant. Kabisado na ni Scott ang mga paborito ni Gillian kaya hindi na niya ito tinanong. Umorder na siya.

“Mahal, ano ba ‘yung sasabihin mo sa’kin, hindi na ko makapaghintay eh, baka kasi papayag ka nang magpakasal tayo?”

“Hindi pa rin, ang sagot ko.”

Nalungkot ang mukha ni Scott.

“So if this is not about marriage, anong gusto mong sabihin?”

“Scott… si inang kasi eh, nalaman na niya na tumatakas ako sa gabi.”

“Ano? Anong sabi niya, I’m sure pinagalitan ka.”

“Ano pa nga ba. Actually, hindi niya nga ako kinibo hanggang sa pagpasok ko kanina… pero naiintindihan ko naman siya eh.” (Itutuloy)