Una sa Balita

Meet Me Halfway

By
0 309

Ika-32 na labas

“Mahalaga ba siya sa’kin? Hindi naman siguro ako two timer, ‘di ba, kasi sa pagkakatanda ko si Alex ang boyfriend ko, so pwede bang sabihin mo sa akin kung ano ang kaugnayan ni Scott sa buhay ko, pakiusap?”

Abante Hiring – IT dep

Natigilan si Riza. Pero kung si Gillian na mismo ang nakikiusap sa kanya, matatanggihan ba niya ito?

“S-si Scott ang una mong minahal…kaso dahil sa isang trahedya, nawala siya sa’yo…matagal…hanggang sa matagpuan mo si Alex, si Alex ang naging kapalit ni Scott sa puso mo…pero pagbalik mo dito, bumalik din si Scott sa buhay mo…at feeling ko mas matimbang pa rin si Scott sa’yo, kaya lang hindi ka pa yata ­nakakapagdesisyon bago mangyari ang aksidente niyo ni Alex…”

Saglit na napapikit si Gillian na tila inaalala ang mga pangyayaring sinabi ni Riza.

“Riza, puwede bang idetalye mo sa akin ang lahat?”

“S-sige bff, pero medyo matagal-tagal na usapan ito baka mapuwersa ang utak mo ha.”

“Hindi, kaya sige na, umpisahan mo na.”

Napilitan si Riza na magkuwento pa ng mahahalagang detalye tungkol kay Scott. Sinasagot din niya ang ilang katanungan ni Gillian tungkol dito.

Sa wakas ay nakabalik na rin sa bahay nila si Gillian. Isang salu-salo ang inihanda ng mga magulang bilang pasasalamat, kahit hindi pa bumabalik ang mga nawalang alaala nito.

Habang nakikipagsayahan si Gillian sa mga magulang at kaibigan ay tila nakokonsensya ­naman si Alex na nasa isang sulok. Habang pinagmamasdan nito ang dalaga ay nababahala siya na isang araw ay bumalik si Scott sa isip ng dalaga at maalala nito ang napagkasunduan nilang paghihiwalay ng landas dahil sa pagmamahal nito kay Scott. At siguradong masusumbatan siya nito sa pagtatago ng katotohanan. Sila lang dalawa ang nakakaalam ng napag-usapan nila bago mangyari ang aksidente kaya siya lang din ang makakapagsabi kay Gillian sa totoong damdamin nito. Subalit sa sandaling maipagtapat na niya ang lahat ay mangangahulugan naman ito ng kamatayan ng kanyang puso. Babalik siya sa kung saan nagsimula ang lahat para piliting makalimutan ang mga pangyayari. Kung hindi naman niya ito gagawin ay mananatiling mabigat ang konsensya niya.

Napapikit at napahugot ng malalim na ­paghinga si Alex.

“Riza, hindi pa ulit nagpapakita ni anino ni Scott…” halos pabulong na tanong ni Gillian kay Riza habang umiinom sila ng juice.

Muntik namang masamid si Riza sa tanong ng kaibigan.

“Teka, ibig bang sabihin niyan naaalala mo na siya dahil hinahanap mo siya eh?”

“Not really. Pinagbasehan ko lang ang mga kuwento mo…pero ang feelings ko para sa kanya…at siya mismo hindi ko pa talaga maalala…kung totoo ang sinabi mo na mahal na mahal niya ko, ‘di ba dapat hindi niya ako susukuan?”

“Malay mo nagdadalawang-isip siya kung guguluhin pa ba niya ang isip mo o maghihintay na lang siya na maalala mo? Saka hindi pa naman tapos ang araw na’to, baka dumating pa siya mamayang gabi or bukas, ‘di ba?”

Palihim namang kinausap ni Aling Rosa si Riza.

“Riza, hayaan na lang natin na makalimutan ni Gillian si Scott, tutal naman ay maayos na ang relasyon nila ni Alex, hindi ko nga alam kung dapat kong ipagpasalamat ang mga nangyari dahil nabura sa isip ng anak ko ang lalaking ‘yon.”

“Naiintindihan ko po kayo, kaya lang unfair naman po kasi kung hindi malalaman ni Gillian ang totoo tungkol kay Scott, kapag bumalik ang alaala niya tungkol dito baka maghinanakit pa po siya sa atin…”

Hindi na umimik si Aling Rosa.

Related Posts

Lingid sa kanilang lahat, naroon lang si Scott sa ‘di kalayuan. Mula sa ilalim ng punong kinatatayuan ay natatanaw niya ang kaganapan sa bahay ng dalaga. Subalit pinili niyang ‘wag ng magpakita.

Araw-araw tuwing uuwi mula sa bagong trabaho bilang visor sa bagong bukas na department store, alak at marijuana ang hinaharap ni Scott. Hanggang isang araw ay naabutan siya ni Riza.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Scott na nakaupo sa sofa at nanonood ng t.v. habang nasa mesa ang alak at marijuana nito.

“Ikaw, anong ginagawa mo sa sarili mo?”

“Ito ba?” sabay turo ni Scott sa mga bisyo.

“Wala ka na bang balak puntahan si Gillian?”

Saglit na natahimik si Scott bago sumagot.

“Gusto ko siyang ipaglaban, iyon talaga ang balak ko…pero paano ko gagawin ‘yon kung nakikita ko naman kung gaano na siya kasaya ngayon…nabura na’ko sa alala niya, hayaan na natin do’n.”

“So gano’n na lang, ibig sabihin pinapalaya mo na siya pero ikukulong mo naman ang sarili mo sa ganitong klaseng kalungkutan?”

“Riza, ano pa ba ang magagawa ko? Pupuwersahin ko siya na maalala ako, e ‘di ba nga bago mangyari ang aksidente, bago siya magka-amnesia, pinili na niya si Alex? Sumama siya sa probinsya nila kaya ano pa ba ang magiging silbi kung sakaling maalala niya ko?”

“What if maalala ka nga niya…maalala niya kung gaano ka niya kamahal?”

“Stop it! Umalis ka na!”

Disappointed na lumabas ng apartment ni Scott ang dalaga.

Mula sa apartment ni Scott ay nasalubong ni Riza ang kotse ni Alex.

“Riza, sakay na.”

“Ha? sige.”

Nagpaunlak ang dalaga at sumakay sa kotse ni Alex.

“Papunta ako kina Gillian, ikaw, saan ka ba galing?” tanong ng binata.

“K-kay Scott…kinumusta ko lang…”

“O, kumusta naman siya?”

“Ayun, feeling ko sinisira niya ang buhay niya…alak, marijuana, siguro dahil sobra s­iyang malungkot.”

“G-ganon ba?”

“Oh, I’m sorry, wala naman akong ibig sabihin, since kinumusta mo siya kaya nasabi ko lang. E kayo ni Gillian, anong plano niyo, I mean, babalik ba kayo sa America or dito muna kayo?” (Itutuloy)