Una sa Balita

Meet Me Halfway

By
0 322

Ika-32 na labas

Nagmulat ang mga mata ng dalaga. Sa pagbukas ng paningin niya ay hawak ni Scott ang kamay niya. Nangislap ang mga mata nito nang makita ang paggising niya.

Abante Hiring – IT dep

“Gillian? Gillian gising ka na!”

Tuwang-tuwang nayakap ni Scott si Gillian. Subalit nakatingin lang ito sa kanya. Agad siyang tumawag ng doctor para ma-check ang dalaga.

Habang tsinetsek ng doctor si Gillian ay abot-abot naman ang pasasalamat ng mga magulang niya na naghihintay lang sa labas ng silid. Gayundin si Riza na nagkataong nandoon din sa paggising ng kaibigan.

Matapos ang ilang saglit na pagsusuri ay lumabas ang doctor. Agad itong sinalubong ni Aling Rosa.

“Doc, kamusta ho ang anak ko?”

“She’s okay but meron lang konting problema.”

Napakunot ang noo ni Scott na nakikinig lang sa usapan.

“Ano pong problema?” singit ni Riza.

“Meron siyang amnesia, although may mga bagay siyang naaalala but mostly ng mga tinanong ko sa kanya ay hindi niya ma-recall. But don’t worry, temporary lang naman ito, other than that wala na akong nakitang iba pang problema, we just have to follow lahat ng sasabihin ko, if you’re excuse us, gusto kong makausap nang sarilinan ang kanyang ina, I’ll have to explain what I’m talking about.”

Dahil sa sinabi ng doctor ay iniwan na muna nila si Aling Rosa sa pakikipag-usap dito.

“Scott, nag-aalala ako para kay Gillian.”

“Ganu’n din ako, pero sinabi naman ng doctor na temporary lang ang amnesia niya, ‘di ba, kaya magtiwala na lang tayo.”

Nang magkaroon ng pagkakataon si Scott na muling malapitan ang dalaga ay labis ang tuwang niyakap niya ito.

“S-sino ka?” mahinang tanong ni Gillian.

Dumagundong ang kaba sa dibdib ni Scott. Kasama pala siya sa nakalimutan ng dalaga. ­Hinawakan niya ang isang kamay nito at tinitigan.

“Gillian…alam ko ang pakiramdam ng macoma, dahil naranasan ko…at naranasan ko rin na halos maubos ang alaala sa isip ko, pero nanatili ka sa isip ko…at natutuwa akong hindi ka nawala sa alaala ko…sana maalala mo rin ako ngayon…”

Walang tugon mula sa dalaga.

“Gillian, my love, pakiusap, alalahanin mo ako…sa puso mo…”

“S-si Alex…nasa’n siya?”

Labis ang sakit na naramdaman ni Scott nang banggitin ni Gillian si Alex. Ibig sabihin nito ay si Alex ang nanatili sa isip nito at hindi siya. Unti-unting lumuwag ang hawak ni Scott sa kamay ng dalaga.

“Hindi mo ba talaga ako naaalala?” muling tanong niya.
Marahang umiling ang dalaga.
“I’m sorry…”

Ikinatuwa naman ni Alex ang isipin na hindi siya kasama sa naburang mga alaala ni Gillian. Subalit sa pagkakataong ito ay nagtatalo ang puso’t isipan niya. Ayaw niyang samantalahin ang pagkakataon na nakalimutan ni Gillian si Scott pero sumisigaw ang puso niya na manalig siya sa kanyang pag-ibig.

Related Posts

Sakay ng wheelchair ay dinalaw ni Alex si Gillian.

“Natutuwa ako at mukhang okay na okay ka na.”

“Ako rin…pero kailangan mo pa ba talaga ang wheelchair na ‘yan?”

“Oo. Hindi pa kasi masyadong magaling ang mga binti ko, nahihirapan pa akong maglakad.”
Saglit na katahimikan ang namagitan bago muling nagsalita si Alex.

“Gillian, I’m sorry for what happened…wala sana tayo dito kung hindi kita isinama sa probinsya…”

“Ano bang sinasabi mo, hindi naman natin parehong kagustuhan ito.”

“Yeah, I know, but look at you…ano-ano at sino-sino lang ba ang naaalala mo ngayon…”

“Pero temporary lang daw ito sabi ng doctor kaya ‘wag ka ng masyadong mag-alala, at least hindi ka kasama sa nabura sa alaala ko, ‘di ba?”

Muling natahimik si Alex. Paano nga ba niya sasabihin kay Gillian ang tungkol kay Scott?
“Alex, si Tita Lira, pinuntahan ba niya ko?”

“Oo, nu’ng hindi ka pa nagigising, dumating siya, pero hindi rin siya nagtagal kasi kailangan siya sa restaurant.”

“Yung bff ko…si Riza…naaalala ko siya, ang pangalan niya…pero hindi ko halos matandaan ang mga pinagdaanan namin bilang magkaibigan…”

“Huwag mo na lang munang pwersahin ang isip mo na alalahanin ang lahat…kusa itong magbabalik sa’yo.”

Hinawakan ni Gillian ang kamay ni Alex na nakapatong sa gilid ng kama niya.

“Alex, thank you for being here…masaya ako na ikaw ang nasa tabi ko…sana ‘wag mo akong iiwan…”

Tumango ang binata.

“Yes Gillian…I stay here beside you…”

Kasing lalim na ng gabi ang lalim ng pag-iisip ni Scott tungkol kay Gillian. Ilang bote na ng alak ang naitumba niya subalit hindi ito nakakatulong ni katiting na mabawasan ang bigat na nararamdaman niya.

“Hindi ako susuko Gillian…ipaglalaban kita…ipapaalala ko sa’yo kung gaano kita kamahal…”
Ani Scott sa pagitan ng paglagok ng alak.

Si Riza naman ang bisita ni Gillian sa pagkakataong iyon.

“Bff, malapit ka nang umuwi, excited ka ba?”
“Oo naman.”

Ipinagbalat ni Riza ng ponkan si Gillian.
“Eto, isa ito sa mga favorite mo.”

Ngiti ang itinugon ni Gillian.
“Wait, bumalik na ba si Scott?”
“Scott?”

“Oo,..oo nga pala, hindi mo siya naaalala…” nagdadalawang isip si Riza kung dapat ba niyang sabihin sa kaibigan ang tungkol sa lalaki o ‘wag na muna.

“Riza, sino ba talaga siya?”

“H-Ha,e…” (Itutuloy)