Una sa Balita

Meet Me Halfway

By
0 322

Ika-30 na labas

Sa ospital na nagkamalay si Alex. Si Gillian agad ang hinanap ng mga mata niya.

Abante Hiring – IT dep

“G-Gillian?”

Luminga siya sa paligid. Tahimik na tahimik ang buong silid ng ospital. Ang bantay niya na si Cora, tiyahin niyang taga-probinsya ay tila mahimbing na nakayukyok sa sofa na nasa isang sulok.

“T-tita Cora?”

Agad namang nagising ang matandang babae.

“Alex! Mabuti at nagkamalay ka na! Sandali tatawagin ko ang nurse.”

“Tita, si Gillian, where is she?”

Natigilan ang babae. Hindi agad makasagot.

“Tita, I need your answer please, tell me she’s okay.”

Napailing ang matanda.

“H-hindi pa siya nagigising…she’s in coma…”

Nanlaki ang mga mata ni Alex. Nabigla siya at hindi makapaniwala.

“Oh God…” bulalas niya.

Sa mga sandaling iyon ay papasok ng silid ni Gillian si Scott. Mabigat na mabigat ang mga hakbang niya papalapit sa dalaga. Naninikip ang dibdib na hinawakan ang kamay nito.

“My love…”

Hindi sanay umiyak si Scott at ayaw na ayaw niya ‘yon. Pero sa nakikita niyang kalagayan ng babaeng pinakamamahal niya ay hindi na niya napigilan ang pagpatak ng mga luha.

“I’m sorry…I’m sorry sa lahat ng pain na ­ibinigay ko sa’yo…sorry dahil wala ako sa tabi mo para protektahan ka…and sorry kung hanggang ngayon mahal na mahal pa rin kita kahit alam kong may iba nang laman ang puso mo…”

Masuyong hinagkan ni Scott ang kamay ng dalaga.

“I’m still here…and I will love you more than forever…miss na miss kita mahal ko…bumalik ka na sa’kin…”

Samantala. Nagpupumilit naman si Alex na dalhin siya sa kuwarto ni Gillian.

“Pero Alex, kailangan mo munang magpahinga­.”

“No, Tita Cora, I need to see her, hindi lang ako mapapakali dito.”

Walang nagawa ang matanda kundi pumayag sa kagustuhan ng binata. Tinulungan niya itong makaupo sa wheelchair at siya rin ang nagtulak patungo sa silid na kinaroroonan ni Gillian.

“Wait…” pigil ni Alex nang makita sa transparent window si Scott.

“Sino siya?” tanong ng tiyahin.

Hindi sinagot ni Alex ang tanong ng matanda, sa halip ay…

Related Posts

“Tita, bumalik na tayo sa room ko, mamaya ko na lang pupuntahan si Gillian…”

Naiiling na muling sumunod ang matanda sa kagustuhan ng binata. Mabigat ang loob ni Alex dahil sa panibughong nararamdaman. Pero alam niya sa sarili niya na mas gugustuhin ni Gillian na si Scott ang nasa tabi nito kaysa sa kanya.

Napalingon si Scott nang bumukas ang ­pintuan.

“Scott, umuwi ka na muna, ako na muna ang magbabantay, maya-maya lang nandito na rin ang inang at itang niya.” Si Riza.

Tumayo ang binata pero nanatili lang ito sa tabi ng dalaga.

“Ayoko pang umuwi eh…gusto ko kasi na nandito ako kapag nagising na siya.”

Humakbang palapit si Riza at hinawakan sa balikat ang lalaki.

“Naiintindihan kita, pero kailangan mo ring magpahinga, isa pa kailangan mo ng bagong trabaho, bukas na ‘yung interview mo, ‘di ba?”

“Yeah. Pero…”

“Kapag nagising siya nang wala ka, sasabihin ko sa kanya na araw-araw mo siyang binabantayan at araw-araw kang nag-aabang sa paggising niya.”

Kahit papa’no ay napanatag na si Scott sa sinabi ni Riza kaya nagpasya na rin itong umuwi.

Nag-aabang naman sa pag-alis niya si Alex. Nang masigurong wala na si Scott ay saka nito pinuntahan si Gillian. Naabutan niya roon si Riza pero nagbigay ito ng daan para sa kanya.

“Alex, ikaw pala, iwan ko na muna kayo.”

“Salamat.”

Tinitigan ni Alex ang wala pa ring malay na dalaga.

“Gillian…I’m sorry na nangyari ito…kung alam ko lang, sana hindi na tayo nagpunta sa probinsya…sana nakabalik ka na ngayon sa kanya…but don’t worry, makakabalik ka pa rin sa kanya…just hold on…”

Malalim na ang gabi ay gising pa rin si Scott. Paulit-ulit niyang binabasa ang mga notes ni Gillian nu’ng nawawala pa siya. Ibinigay iyon sa kanya ng land lady niya na ayon dito ay idinikit lahat ni Gillian sa door ng ref, since may ibang tumira na sa apartment niya kaya itinabi muna ito ng land lady. At ngayon ngang nakabalik na siya dito ay nasa pag-iingat na niya ang mga sulat.

Sa tuwing babasahin ni Scott ang mga iyon ay nagbabalik sa kanya kung gaano sila kasaya noon ni Gillian. Kung gaano siya nito kamahal at kung gaano niya hinahanap-hanap ngayon ang pagmamahal nito.

Napapikit si Scott at sa kauna-unahang pagkakataon ay nanalangin siya nang taimtim habang nakaupo sa kama.

“Lord, alam kong marami akong pagkakamali at pagkukulang sa’yo…pero buong puso akong nananalangin ngayon at naniniwala ako na hindi mo pababayaan si Gillian…ibalik mo po ang ningning ng mga mata niya at ang mga ngiti sa labi niya…hindi man ako ang maging dahilan ng mga iyon, maluwag kong tatanggapin, basta magising lang siya at makabalik sa buhay na para sa kanya…”

Kinabukasan. Matapos ang interview ay agad dumiretso sa ospital si Scott para muling dalawin si Gillian. Subalit naabutan niya sa loob ng silid si Alex kaya hindi na siya tumuloy sa paghakbang papasok sa loob. Sa halip ay nanatili siya sa pagkakatayo sa labas ng pintuan.

Sa isip niya… “Napakasuwerte mo, Alex…ikaw na ang mahal niya…sa paggising niya, sana maging masaya kayong dalawa…”

Nagpasya nang humakbang si Scott palayo sa silid. Subalit hindi pa siya gaanong nakakalayo nang marinig niya ang pagtawag ni Alex.

“Scott.”

Lumingon si Scott. Inilapit ni Alex ang wheel chair niya sa lalaki.

“Hi. I’m Alex.” Sabay abot nito ng kamay sa binata.

Nakipagkamay naman si Scott subalit nanatili itong walang kibo.

“You know what, she’s very lucky for still having you around…at sigurado akong matutuwa siya sa paggising niya kapag nakita ka niya.” (Itutuloy)