Una sa Balita

Meet Me Halfway

By
0 322

Ika-3 na labas

“Gusto mo bang masunog itong niluluto ko, favorite mo pa naman ‘to?”

“Okay fine, ayokong masunog ‘yan kasi tomguts na’ko… doon muna ako sa kuwarto magpapalit lang ako ng damit.”

“Good,” nakangiting tugon ng dalaga. Sabay harap ulit sa niluluto.

Nang makatapos ay inihain na nito ang hapunan sa mesa. Kanin lang ‘yon at bacon with iced tea, pero alam niyang magugustuhan at mabubusog niyon si Scott dahil paborito ito ng binata gayundin ang iced tea na madalas nitong inumin.

Hindi pa lumalabas si Scott mula sa kuwarto kaya naman pinuntahan na niya ito. Nagulat siya nang makita itong nakaupo sa kama at nakayuko sapo ang ulo.

“Scott! Are you okay?” nag-aalala niyang tanong habang palapit dito.

“I-I’m okay, just a minor headache…”

“Sigurado ka? Ibibili kita ng gamot pagkatapos nating kumain.”

Hinawakan ni Scott ang kamay ni Gillian at pinaupo sa tabi niya.

“Mahal, I said it just a minor headache, hindi na kailangan ang gamot.”

“Pero…”

“Alam mo kaya mahal na mahal kita eh, simpleng sakit ng ulo nag-aalala ka na agad, what more pa kung magka-cancer ako or mamatay?”

Sumimangot si Gillian.

“Hindi nakakatawa ang mga biro mo ha.”

Niyakap ni Scott ang dalaga at hinagkan sa noo.

“Ikaw kasi eh, masyado kang nag-o-over react.”
“So O.A. ako gano’n ba?”

Sa halip na patulan ang galit-galitan ni Gillian ay hinalikan na lang ito ni Scott sa labi para matahimik na. Pero agad siyang inawat ng dalaga.

Related Posts

“Okay, enough, masamang pinaghihintay ang pagkain.”

“Alright.”

Tumayo na si Gillian at sumunod na rin si Scott.

Matapos magsalo sa pagkain ay pinagsaluhan naman nila ang tamis ng pag-ibig sa loob ng silid na iyon. Pinuno nila ang gabi ng pagmamahal. Isang pagmamahalan na hindi nila kayang ipaliwanag. Isang pagmamahalan na nagbubuklod sa kanilang dalawa. Isang pagmamahalan na tanging sila lang ang nakakaunawa sa pagitan ng isa’t isa.

Matapos ang maaalab na sandali ay umunan si Gillian sa braso ni Scott.

“Alam mo love, minsan napapaisip rin ako… tingin mo ba, may makakapaghiwalay pa sa ating dalawa?” tanong ng dalaga.

“Ha? Anong klaseng tanong ba ‘yan?”

“Wala lang, sumagi lang sa isip ko…”

“Wala. Wala akong maisip na pwede pang makapagpahiwalay sa ating dalawa.”

“Okay… isa pang tanong… nag-eenjoy ka ba sa buhay mo, natin? Hindi ka ba napapagod sa araw-araw nating routine?”

“WHAT?”

“O, bakit nanlalaki ang butas ng ilong mo? Awkward na naman ba ang tanong ko?”

“That seems odd. Suddenly. Para itanong ang ganyang klaseng tanong, what’s wrong with you?”

“Mahal, it’s just a question, a simple question, kung ayaw mong sagutin e ‘di wag.”

“Hindi naman sa ayaw kong sagutin, ako kasi ang napapaisip sa tanong mo eh, bakit ikaw ba nagsasawa na sa buhay natin, hindi ka ba masaya?”

“Hmp, ibinalik mo lang ang tanong ko eh. Pero sige sasagutin kita, honestly hinding-hindi ako magsasawa as long as you’re here with me, as long as mahal natin ang isa’t isa.”

“Gano’n din naman ako eh. Akala ko nagsasawa ka na kaya ganyan ang tanong mo…”
“Of course not.”

Yayakap si Gillian sa dibdib ni Scott. Isang mahigpit na yakap na masisiguro niyang mararamdaman ni Scott ang labis niyang pagmamahal dito. Gagantihan ng binata ang yakap niya. Kasunod noon ay ang masuyong halik sa pisngi papunta sa labi. Hanggang sa muling magningas ang pag-ibig na nag-uumapaw sa kanilang mga puso at muli ay lalasapin nila ang damdaming iyon na umaalipin sa kanila ng buong-buo.

Nagulat si Gillian nang makita niyang bukas ang bintana ng kuwarto niya pagdating niya doon. Marahan ang mga hakbang na lumapit siya sa bintana. Sumungaw ang ulo niya at luminga ang mga mata sa loob. Napalunok siya nang makitang nakahiga ang inang niya sa kama niya.

“Lagot…” bulong niya sa sarili. (Itutuloy)