Una sa Balita

Meet Me Halfway

By
0 309

Ika-29 na labas

Inaalalayan ni Alex ang dalaga.

“You know what, when I was younger, madalas kong gawin ito kasama ang mga pinsan ko.” si Alex.

“Talaga?” muli ay naalala ni Gillian si Scott. Gusto rin ni Scott ang mga bundok. Ang lugar na malayo sa kabihasnan.

At muli ay napansin na naman ni Alex ang kawalan niya ng kibo.
“Is there something or someone bothering you?”

Umiling ang dalaga.
“No. Nothing…”

“Alam mo kapag nakarating na tayo sa pinakatuktok nito, sigurado ako mawawala lahat ang stress mo at masasabi mo kung gaano kaganda ang Pilipinas, ang mundo!”

Napangiti si Gillian.
“Hindi naman ito ang first time kong makaak­yat sa bundok, actually this is may third times, pero sige, tingnan natin kung ano ang kaibahan ngayon.”

“Okay, you will see.”
Saglit silang nagpahinga sa ilalim ng malaking puno. Tila sinasadyang ang lilim ng punong iyon ay muling nagpaalala kay Gillian sa nakaraan nila ni Scott.

Madalas kasi silang magpahinga noon sa ilalim ng malaking puno. At ngayon habang magkatabi sila ni Alex ay tila tuksong hindi maalis sa isip niya ang dating nobyo.
Maya-maya pa ay muli nilang ipinagpatuloy ni Alex ang pag-akyat sa bundok.

Nang matapilok si Gillian.
“Gillian!”
Hindi agad nakatayo ang dalaga kaya mabilis siyang sinaklolohan ni Alex.

“Gillian, are you okay, masakit ba?”
Umiling si Gillian subalit hindi niya napigilan ang pagpatak ng luha.
“Teka, gusto mo buhatin na lang kita?”

“Hindi, okay lang ako…wait lang ha…saglit lang, tatayo rin ako…”
Lingid kay Alex hindi ang sugat na tinamo sa pagkakatapilok ang dahilan ng luha ni Gillian kundi ang pag-iisip kay Scott.

Sa isip ng dalaga. “Bakit ganito ang nararamdaman ko, nagiging unfair ba ako kay Alex o nagiging unfair ako sa sarili ko?”
“Gillian, kung pagod ka na at hindi mo na kaya, we can go back.”

“Hindi, sandali lang ‘to. Gusto ko rin na mara­ting ang tuktok.”
“Okay, if that’s what you want, pero ‘wag mong pilitin ang sarili mo.”
“Yeah. I’m good, don’t worry.”

Ilang oras pa ang binuno nila bago sila ­makarating sa taas.
“Sa wakas, we’re here!” si Alex na bakas na bakas sa mukha ang kasiyahan.
Hinawakan niya ang kamay ni Gillian.

“We’re gonna fly!”
“What?”
Pumunta si Alex sa likuran ng dalaga at itinaas ang dalawang kamay nito.

Related Posts

“Gillian, ipikit mo lang ang mga mata mo, at pakinggan mo lahat ang sasabihin ko.”
Sinunod ni Gillian si Alex. Marahan niyang ipinikit ang mga mata at naghintay sa sasabihin ng binata.

“Gillian, the first time I saw you, the first time I met you…sinabi ko sa sarili ko na ikaw na ang babaeng gusto kong makasama habambuhay…at nasiguro ko ‘yon nu’ng sabihin mo sa’kin na mahal mo rin ako…nu’ng tanggapin mo ako sa puso mo…”

Nangilid ang luha ni Gillian.
“I know minahal mo ako…naramdaman ko ‘yon…but then, he comes back…”
Napadilat ang dalaga. Nanatiling nakahawak sa mga kamay niya si Alex at nasa likuran niya.

“Gillian…I’m happy with you, but if my happiness is not your happiness now, I’m willing to give way…”
Humarap si Gillian sa binata.

“Alex, anong sinasabi mo?”
“Nu’ng umalis ka…sinundan kita…at doon ko nalaman na nagbalik na siya…and from that ­moment, I feel your pain and longing for that man…

Nag-pretend ako na wala lang ‘yon, nag-pretend ako na ako na ang mahal mo…pero ramdam ko, Gillian, ramdam ko ang paghihirap ng loob mo…kaya palalayain na kita…”

“Alex…”
“Tumingin ka sa lawak ng paligid, masarap maging malaya, ‘di ba?”
Muling hinawakan ni Alex ang kamay ng dalaga bago nagpatuloy sa sasabihin.

“Isigaw mo sa hangin kung sino ang nilalaman ng puso mo…ang totoong nilalaman ng puso mo…”
Umiling si Gillian.
“Do this Gillian, hindi lang para sa sarili mo kundi para na rin sa akin.”

Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ng dalaga na kanina pa niya pinipigilan.
“Okay…”
Tumalikod siya kay Alex at hinarap ang lawak ng kapaligiran hanggang sa kayang abutin ng paningin.

“MAHAL KITA…MAHAL NA MAHAL KITA…SCOTT!”
Napayuko si Alex.
Muling humarap si Gillian sa binata.
“I’m sorry…I’m so sorry…”

Niyakap ni Alex nang mahigpit ang dalaga.
“Hindi mo kailangang mag-sorry, ito ang tadhana natin…ito ang ibinigay sa’king papel na kailangan kong gampanan sa buhay mo…”

“Thank you Alex…thank you for loving me unconditionally…”
Habang mahigpit na yakap ang dalaga ay palihim na pumatak ang mga luha ng binata.

Pagbaba nila sa bundok ay agad silang nagpaalam para bumalik sa lugar nina Gillian. Pareho silang naging tahimik sa biyahe. Isinandal ni Alex ang ulo ni Gillian sa balikat niya.

“I want you to always be comfortable on my shoulder. Kahit na hindi na tayo. Pero ngayon, hayaan mo munang samantalahin ko ang pagkakataon na maging komportable rin ako sa tabi mo.”

“Oo naman. Your shoulder will always be my special comforter.”

Hinaplos ni Alex ang buhok ng dalaga. Sapat na ang layo ng biyahe para namnamin nilang dalawa ang pagkakataong nagbibigay ng ­kapanatagan sa kanila.

Hanggang sa kapwa sila mapahimbing. Hindi alintana ang nag-aabang na panganib. Bigla ay tumagilid ang sinasakyan nilang bus at sa isang iglap ay nahulog ito sa bangin.

(Itutuloy)