Una sa Balita

Meet Me Halfway

By
0 309

Ika-27 na labas

“Okay.”

“Teka nga muna bff, bakit ba parang worried na worried ka, hindi ka ba masaya para sa’kin?”

“Of course naman I’m super duper happy for you, ang inaalala ko lang, baka kasi hindi pa buo ‘yung pagmamahal mo kay Alex, dapat siguraduhin mo muna na siya ‘yung THE ONE para wala kang pagsisihan sakaling bumalik si Scott.”

Natigilan si Gillian. Nagtatanong ang mga matang tumingin kay Riza.

“Riza, sa tingin mo ba talaga babalik pa siya?”

“H-ha? e…ewan ko…”

Hinawakan ni Gillian ang kamay ng kaibigan.

“Mahal ko na si Alex. Pero kung babalik si Scott, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, kaya pwede ba, ‘wag mo ng guluhin ang isip ko kasi baka malito ang puso ko.”

“O-okay…”

Tila nakokonsensya naman si Riza sa tuwing maiisip niya si Scott. Kaya hanggang sa pagtulog ay pinag-iisipan niya kung ano ang dapat niyang gawin. Sa ayaw naman niya at sa gusto ay magpapa­kita pa rin si Scott kay Gillian kaya mukhang wala na siyang magagawa kundi hayaan na lang ang kapalaran na siyang magtakda kung ano talaga ang dapat na mangyari.

Umaga. Naisip ni Riza na itext si Gillian. Papupuntahin niya ito sa dating apartment ni Scott na ito lang mag-isa, para doon makapag-usap ng sarilinan ang mga ito.

“Bahala na si Batman! Lord guide them!!!”

Namumungay pa ang mga mata ni Gillian sa antok nang matanggap niya ang message ni Riza.

“Ha? anong gagawin ko do’n?” bulong niya sa sarili na nagtataka.

Dinayal ng dalaga ang number ng kaibigan subalit naka-off na ito.

Nalilitong napabangon si Gillian. Inayos ang sarili at sinulyapan pa ang nahihimbing pa sa pagtulog na si Alex bago tuluyang lumabas ng silid.

Hindi alam ni Gillian kung ilang minuto na siyang nakatayo sa harap ng apartment ni Scott bago siya nagpasyang humakbang palapit dito.

“Bff…bakit ko ba kailangang pumunta pa rito?…gusto mo ba talagang maalala ko ang lahat?…o gusto mong masiguro na hindi ko na maaalala ang nakaraan ko alang-alang kay Alex?…ano ba talaga ang dahilan?…”

Related Posts

Maingat niyang pinihit ang seradura ng pinto nang magulat siya dahil sadyang nakabukas na ito. At tila isang bombing sumabog ang dibdib niya nang tumambad sa kanya ang isang babaeng nakayakap kay Scott.

“GILLIAN?” nagulat rin si Scott at ang babae.

Nanigas ang mga paa ng dalaga. Tila na-freeze siya sa pagkakatayo.

“Scott, I think I have to go.” Matapos magpaalam ng babae ay lumabas na ito ng apartment at ni­lampasan si Gillian.

“Gillian, it’s not what you think, she’s…”

Bago pa matapos ni Scott ang sasabihin ay tila ipo-ipong naglaho na ang dalaga sa harapan niya.

“GILLIAN, WAIT!”

Hindi sa bahay nagtuloy si Gillian. Sa halip ay pinuntahan nito si Riza na naabutan pa niyang naghahanda na para sa pagpasok sa company.

Isang malakas na sampal ang isinalubong niya rito. Nabigla si Riza.

“Riza, pinapunta mo ba’ko ro’n para saktan ako?”

“H-ha? teka, I’m sorry, k-kaya nga hindi ko masabi sa’yo na nagbalik na siya, kasi ayokong masaktan ka tapos masira ‘yung relasyon nyo ni Alex, na maudlot ‘yung nararamdaman mong saya ngayon, kasi alam ko masaya ka na eh…” paliwanag ni Riza na hawak ang sariling pisngi.

“Kung gano’n bakit mo ako pinapunta ro’n at sa oras mismo na kasama niya ang babae niya?”

“Ano? Babae?”

“Oo, dinatnan kong may naka­yakap na babae sa kanya!”

“Wait lang, hindi ko alam ‘yon, pwede ba makinig muna sa’kin. Pinapunta kita ro’n para malaman mong buhay siya at magkausap kayo ng sarilinan, para magkaroon kayo ng closure o anupaman.”

“Kelan mo pa ito nalaman? Paano at sino ang babaeng ‘yon?”

“Alam mo bff, mahabang kuwento, kung gusto mo hindi na lang ako papasok sa work ngayon para mapag-usapan natin, pero mas okay sana kung siya mismo ang magsasabi sa’yo ng lahat, at ‘yung babae, baka si ano ‘yon, ‘yung Barbara, ‘yung doctor.”

Napapailing na tinalikuran ni Gillian ang kaibigan. Nanlulumo namang napaupo sa upuan si Riza.

“Wrong timing pala ko…kung si Doktora man ‘yon, ano ba kasing ginagawa niya do’n?…panira siya ng plano! Sabi na nga ba ‘wag na’kong mangialam eh!”

Hindi makapaniwala si Gillian. Habang nag-iimpake siya ng mga damit para sa pag-alis nila ni Alex patungong probinsya nito ay laman ng isip niya si Scott.

Maya-maya pa ay nagpaalam siya dito. (Itutuloy)