Una sa Balita

Meet Me Halfway

By
0 322

Ika-26 na labas

“Ahm inang, wala pa po sa isip namin ni Alex ang ganyang bagay, nandito lang po kami para magbakasyon, actually po next month doon naman po kami sa kanila, ipapakilala niya rin po ako sa mga magulang niya. Iyon lang po ang plano namin.” Nakangiting sagot ni Gillian.

“Kung ako po ang tatanungin nyo, ready po akong pakasalan si Gillian kahit saang simbahan, kaya lang po narinig nyo naman ang sabi niya, wala pa sa isip niya ang ganoong bagay.”

Kinurot ni Gillian si Alex sa tagiliran kaya nagkatawanan sila.

“Okay sige, tutal nasa edad naman na kayo para magdesisyon, e hihintayin na lang namin kung kelan kayo magiging handa pareho. Sana lang eh, walang dumating na hadlang.”

Muling siniko ni Mang Cardo si Aling Rosa.

Napatingin naman si Gillian sa bintana sa kusina at tila sa isang kisapmata ay nakita niya si Scott. Tumayo siya at lumapit dito, subalit wala na siyang nakita.

“Gillian, what’s that?” tanong ni Alex.

“W-wala…akala ko kasi may tao…parang may nakita akong tao…” kakaibang pagdagundong sa dibdib ang naramdaman ng dalaga sa isiping nakita niya si Scott.

Tumayo rin si Mang Cardo at tsinek ang labas, pero wala rin itong nakita.

Matapos kumain ay inaya ni Alex si Gillian na ipasyal siya sa lugar. Nagpaunlak naman ang dalaga.

“Teka, lalakarin lang ba natin?”

“Yes Alex, una, wala kaming sariling sasakyan, pangalawa, mas okay ‘yon para makita mo ang lahat ng madadaanan natin, maraming magandang view rito!”

“Talaga? Okay, sabi mo eh, let’s go.”

Nagsimulang maglakad ang dalawa habang nagkukuwentuhan. Nang mapatapat sila sa dating apartment ni Scott ay napahinto sa paglakad si Gillian. Pero bago pa niya makalimutang kasama niya si Alex ay muli siyang humakbang.

“Gillian, is there something wrong?”

“W-wala…”

Hindi na kumibo si Alex kahit nahalata nito ang tila naging kakaiba sa mukha ni Gillian nang mapatapat sila sa apartment na ‘yon.

“Tara, do’n tayo sa park.” Aya ng dalaga.

Related Posts

Nilingon pa ni Alex ang apartment. Pag-alis ng tingin ni Alex ay siya namang pagdungaw ni Scott mula sa bintana. Bumigat ang dibdib nito nang makita si Gillian na nakatalikod na at lumalakad palayo kasabay ang estrangherong lalaking iyon sa kanyang paningin.

Nang gabing iyon ay bisita ni Scott si Riza. Nakaupo ito sa sofa habang si Scott ay nakatayo.
“I can’t wait Riza, kailangan kong mabawi sa lalaking iyon si Gillian.”

“I know, hindi lang kasi ako makakuha ng magandang tiyempo para masabi sa kanya ang lahat ng nangyari sa’yo…”

“Kung hindi mo pa masasabi, just let me. Hayaan mong ako ang humarap sa kanya at magpaliwanag.”

“Scott, ilang beses ko bang sasabihin sa’yo kung gaano kahirap ang pinagdaanan ng best friend ko sa pagkawala mo, and now sa wakas ay nagawa ulit niyang ngumiti, tapos gusto mo bigla ka na lang ulit sumulpot sa harapan niya at tingin mo gano’n na lang kadali ‘yon?”

Tinitigan ni Scott si Riza.

“Alam kong hindi gano’n kadali, pero mahirap din ang pinagdaanan ko, at handa akong harapin ang doble pang sakit na pwede kong maramdaman, malaman lang niya na bumalik na ko at wala akong ibang minahal at mamahalin kundi siya lang. Kaya utang na loob, ‘wag mo na akong pigilan…”

“Anong gagawin mo, pupuntahan mo siya sa kanila at sasabihin mong, HELLO I’M BACK!”

“Makakaalis ka na.”

Walang kibong lumabas ng apartment ni Scott si Riza. Matapos doon ay tinungo ni Riza ang bahay ni Gillian. Sinalubong siya nito sa terrace.

“O bff, ginagabi ka yata?”

“Wala lang, gusto ko lang kitang makita, alam mo naman na-miss ko ang bonding natin.”

“Asus, teka, nag-dinner ka na ba?”

“Hindi pa nga eh.”

“Tamang-tama, malapit ng matapos si inang sa niluluto niyang adobo.”

“Wow!”

Naupo si Riza. Tinabihan siya ni Gillian.

“Don’t worry bff, 3 months naman ang bakasyon namin ni Alex dito kaya marami pa tayong time para makapag-bonding, kaya lang bukas, pupunta muna kami sa probinsya nila para maipakilala niya ko sa parents niya, and then babalik kami dito after a week.”

“Mapakilala sa mga parents, wait, baka naman kasunod na nito ‘yung pamamanhikan?”

“Ano ka ba, hindi pa ‘no. Ikaw ang unang makakaalam kapag meron ng ganong bagay.”(Itutuloy)