Una sa Balita

Meet Me Halfway

By
0 309

Ika-25 na labas

“I’m happy for you, for both of you!”

“Thank you po, tita.”

Dahil sa magandang performance ng dalawa sa trabaho ay binigyan ni Lira ng time sina ­Gillian at Alex na makapagbakasyon ng 3 months sa Pilipinas.

“Talaga po tita?” Hindi makapaniwalang tanong ni Gillian.

“You deserve this guys.”

Dahil sa tuwa ay parehong nayakap ng dalawa si Lira. Sumingit sina Jeric at Paola.

“Gillian, pagbalik mo uwian mo naman akong tuyo saka dilis!” si Paola.

“Ikaw naman, Alex, kahit ano na lang, basta may maipasalubong ka sa’kin pagbalik mo!” biro naman ni Jeric.

Tinawanan na lang iyon nina Alex at Gillian.

Excited na nag-impake ng mga gamit niya si Gillian. Habang inaayos ang mga damit sa maleta ay sari-saring isipin ang pumapasok sa isip niya. Ang inang at itang niya, ang bff niyang si Riza at si…Scott…

Natigilan sa pag-aayos si Gillian. Naalala na naman niya si Scott. At sa tuwing maaalala niya ito ay hindi niya maiwasang madama pa rin ang kirot na dulot ng pagkawala nito.

“Lord, kung anuman ang nangyari sa kanya, o kung nasaan man siya ngayon…please be with him…” mahinang panalangin ng dalaga.

Sa muling pagtapak ni Gillian sa Pilipinas ay ipinangako siya sa sarili na magiging masaya lang siya, na hindi na niya bibigyan ng puwang ang kalungkutan na dulot ng pag-iisip sa nakaraang pag-ibig.

“Welcome back Gillian! Welcome home!” bati ng dalaga sa sarili sabay buka ng dalawang kamay niya na tila hinihintay na yakapin siya ng hangin.

Nagulat pa siya nang bigla siyang buhatin ni Alex mula sa harapan niya at isayaw siya nito sa hangin.

“Welcome sa ating dalawa, within 3 months, bubuo tayo ng magagandang memories dito sa Pilipinas!”

“Okay, pero ibaba mo na’ko please?”

Maingat na ibinaba ni Alex si Gillian.

Isang handaan ang naghihintay sa kanila pagdating nila sa bahay nina Gillian. Agad niyakap ni Aling Rosa ang anak pagkakita dito, ganoon din si Mang Cardo. At syempre hindi magpapahuli ng drama moment si Riza. Naiyak pa nga ito.

“Bff, grabe, miss na miss kita!” anito.

“Ikaw din, sobra kitang na-miss!”

Lingid kay Gillian, may iba pang dahilan ang pagluha ni Riza pero humahanap pa ito ng magandang tiyempo para masabi ito sa dalaga.

Ipinakilala naman ni Gillian si Alex sa mga magulang at kaibigan. Excited na nakipagkamustahan ang binata sa mga ito. Dahil sa nakikita ni Riza na kasiyahan sa mukha ng kaibigan, napipigilan siyang sabihin ang nais niya. Ayaw niyang mabahiran ng kalungkutan ang masayang araw ng pagdating nito.

Hanggang sa kumagat na ang dilim at masolo niya ito sa upuang nasa harapan lang ng bahay ng mga ito.

“Kumusta ka bff?” si Gillian.

“Eto, okay na okay naman, promoted na rin sa wakas bilang supervisor, katulad mo dati!”
“Teka, ba’t hindi mo nabanggit sa’kin ‘yan nu’ng last na pag-Skype natin?”

“E kasi nga busy ako sa pagtsika sa’yo tungkol sa lovelife ko, ‘di ba, kaya nakalimutan ko tuloy…ikaw naman, anong plano mo, I mean, niyo, seryoso na ba?”

Related Posts

Tumingala si Gillian sa mga bituin bago sumagot.

“Sana…”

“Sana? So hindi ka pa sure?”

“Wala naman talagang kasiguruhan sa buhay ‘di ba, tingnan mong nangyari sa’min ni Scott, sinong mag-aakala na mauuwi sa wala ang lahat ng pinagsamahan namin…”

“G-Gillian…paano kung bumalik siya sa buhay mo?”

Napatingin si Gillian sa kaibigan.

“Tinatanong mo ba’ko kung sino ang pipiliin ko sa kanila ni Alex?”

“P-parang gano’n?”

“Hindi ko alam…hindi kasi ako sigurado kung tuluyan na ba siyang nawala sa puso ko, o natabunan lang ng pagmamahal ni Alex…”

Napalunok si Riza at napatingin sa malayo.

Lingid naman sa dalawa ay malinaw na narinig ni Alex ang pag-uusap nila mula sa bintana. May naramdamang lungkot si Alex sa mga naging kasagutan ni Gillian subalit ayaw niyang magpaapekto rito. Ang importante, silang dalawa na ni Gillian ngayon at gagawin niya ang lahat para maging silang dalawa hanggang sa huli.

Katabing natulog ni Gillian sa kuwarto niya si Alex. At inaasahan na niya na ang gabing iyon ay mapupuno ng pagmamahalan nila.

“Alex, hindi na’ko virgin…”

Saglit na natigilan si Alex. Pero pagkuwa’y ngumiti ito.

“And so?”

“Inunahan na kita, ayoko kasing ma­-disappoint ka.”

“Sa lalim ng pinagsamahan niyo ni Scott, magtataka ako kung malalaman ko na virgin ka pa!” biro nito.

Pabiro ring hinampas ni Gillian si Alex. Ang biruan at harutang iyon ay nauwi sa isang seryosong paglalapat ng kanilang mga katawan. At pagbibigay-daan sa damdaming nais kumawala sa kanilang mga puso.

Inihanda na ni Gillian ang sarili sa pagpapaubaya niya kay Alex. Tila desidido na siyang tumbasan ang pag-ibig na iniaalay nito sa kanya. Buong puso namang ipinadama ni Alex sa dalaga ang kakayahan niyang paligayahin ito. Isang pagpapaligaya na may kaakibat na pagmamahal at respeto.

Samantala. Tila isang bangungot naman ang nagpabalikwas kay Scott mula sa pagkakahiga nito sa kama sa loob ng dati niyang apartment.

“Gillian…” mahinang sambit niya.

Nakabalik na si Scott. At ngayon ay nababalot ng dilim at kalungkutan ang buhay niya.
Agahan.

“Mukhang maganda ang tulog niyong dalawa at napakaganda rin ng gising niyo ah!” puna ni Mang Cardo kina Gillian at Alex.

Nagkatinginan ang dalawa. Palihim namang siniko ni Aling Rosa ang asawa.

“Ang ibig sabihin ng itang niyo eh, kung maayos naman ba ang pagtulog niyo?”

Halos sabay ding sumagot ang dalawa.

“Opo!”

Muli silang nagkatinginan at nagkatawanan.

“E tutal naman at magkakasalo tayo ngayon, maaari ba naming malaman kung anong plano niyong dalawa, kung may balak na ba kayong magpakasal?” tanong ni Aling Rosa, siya naman ang palihim na siniko ni Mang Cardo. (Itutuloy)