Una sa Balita

Meet Me Halfway

By
0 309

Ika-24 na labas

“I know. Basta, ayoko pa rin sa malalim.”

Sa una ay sinunod ni Alex ang gustong mangyari ng dalaga. Sa mababaw na bahagi lang sila nagtatampisaw habang nagkukuwentuhan. Pero hindi napapansin ni Gillian na unti-unti ay napapalayo na sila ng binata sa mga kasamahan. Hanggang sa kabigin siya ni Alex sa beywang at dalhin sa may kalalimang bahagi ng dagat.

“ALEX STOP IT!” sigaw ni Gillian na nagsimulang mag-alala.

“Don’t be afraid, I’m holding you!”

Napakapit nang mahigpit ang dalaga sa balikat ng binata nang umabot na sa leeg niya ang tubig.

“What are you trying to do ba, gusto mo ba talaga akong malunod?”

“Face your fear…with me beside you. Magtiwala ka sa’kin, hindi kita bibitawan.”

Tumitig si Gillian sa mga mata ni Alex na nakatitig rin sa kanya.

Kitang-kita naman ni Alex ang takot sa mga mata ng dalaga na nakatitig sa kanya. Pero handa siyang alisin ang takot nito. Hinawakan niya ang isang kamay nito habang ang isa pa niyang kamay ay nasa beywang naman nito.

“Nagtitiwala ka ba sa’kin Gillian?”

Hindi sumagot subalit marahang tumango ang dalaga.

“Kung gano’n, hayaan mo akong alisin ang takot na nasa dibdib mo…”

Nanatiling walang kibo si Gillian hanggang sa unti-unting ilapat ni Alex ang labi niya sa mga labi nito. Napapikit ang dalaga. Lalong humigpit ang kapit niya sa balikat ni Alex nang maramdaman niya ang unti-unti nilang paglubog sa tubig habang magkalapat ang mga labi.

Hindi alam ni Gillian kung paano niya nagawang makipaghalikan sa ilalim ng tubig. Habol niya ang paghinga nang muli silang lumutang.

“Gillian, I think this is the right time, I feel it…”

“Anong sinasabi mo?”

“‘Wag mo na i-deny please, just tell me…you love me too…”

“Talagang dito mo pa itatanong habang nasa gitna tayo ng dagat?”

“Gillian, wala pa tayo sa gitna, at malayo pa tayo sa gitna, nagsisimula pa lang tayo sa paglangoy tulad ng nagsisimula pa lang tayo sa pag-ibig natin.”

Napangiti ang dalaga. Mukhang siguradung-sigurado na si Alex sa kanya.

“Please Gillian?”

Saglit pang nag-isip si Gillian bago ito marahang tumango.

“So, is that mean that…teka, gusto kong marinig!” pangungulit pa ni Alex.

“Okay fine. I love you, too, Alex.”

Dahil sa narinig ay muling hinagkan ng binata ang dalaga sa mga labi nito at saka niyakap nang mahigpit.

“I love you more, Gillian, you don’t have an idea kung gaano ako kasaya ngayon!”

“I know, and you don’t have idea too kung gaano na’ko nangangawit sa pagkapit sa’yo, doon na kaya tayo sa mababaw para mapanatag na’ko.”

“Okay, pero pumasan ka muna sa’kin.”

“What?”

Related Posts

“Come on, akong bahala sa’yo!”

Pumasan nga ang dalaga. Nang nakapasan na ito ay saka sinimulan ni Alex ang paglangoy papunta pa sa mas malalim na bahagi ng dagat.

“ALEX NO!” pigil ni Gillian.

“Don’t worry, I’ll take care of you!”

“Please noooo!!!”

Maya-maya lang ay unti-unti nang nawala ang takot ni Gillian. Ini-enjoy na niya ang bawat segundo ng paglangoy nila ni Alex. Ang bago niyang pag-ibig.

Naging smooth sailing ang relasyon nina Alex at Gillian. Ang bawat araw ay puno ng kulay.

Palaging sinisiguro ni Alex na walang magiging puwang ang kalungkutan sa puso ni Gillian.

“Alex, para saan ito?” tanong ni Gillian nang iabot sa kanya ni Alex ang isang bouquet ng rosas at isang red balloon habang pasakay sila sa kotse ng binata pauwi mula sa trabaho.
“For you.”

“Yeah, it’s for me, but for what, may okasyon ba?”

“Kailangan bang magkaroon ng okasyon para mabigyan kita niyan?”

Binuksan ni Alex ang pintuan ng kotse para sa dalaga.

“Thank you. Pero Alex, you don’t have to do this almost everyday.”

“I know. Gusto ko lang. Kung pwede nga lang every second of the day eh!”
“O.A.!” biro ng dalaga.

“Masaya ako sa ginagawa ko kaya ‘wag ka na kumontra.”

“Okay, baka lang kasi masanay ako na lagi akong may natatanggap na flowers from you, pa’no ‘pag nagsawa ka na, or hindi ko na ma-appreciate ‘yung ibibigay mo kapag may occasion na like our anniversary, kasi nga sanay na’ko, mawawalan ng thrill, ‘di ba?”

“Kunsabagay, you have a point, so kailangan pala iba-ibahin ko na lang ang ibibigay ko sa’yo araw-araw!”

Natawa si Gillian. Hinawakan niya ang kamay ni Alex na nakahawak na sa manibela.

“Alex, being here beside me, and loving me with all your honesty, is enough.”

Humugot ng malalim na paghinga si Alex at saka tumingin kay Gillian.

“Yeah, that’s fine. I promise, I will love you forever, faithfully and I always be here for you whatever happens…” sabay halik sa noo ng dalaga.

Napangiti si Lira nang mamataan ang pamangkin sa pagbaba nito mula sa kotse ni Alex. Sinalubong niya ito sa salas.

“O Gillian, hindi mo muna pinatuloy si Alex?”
“Pagod na po siya tita eh.”

“Okay, so are you getting along with each other right?”

Natawa si Gillian.

“Tita Lira naman, alam niyo naman po na kami na, ‘di ba?”

“I know, gusto ko lang malaman kung hindi mo lang ba siya ginagamit para tuluyang mabura sa puso mo si Scott…na totoo ang nararamdaman mo para sa kanya…”

Saglit na natigilan si Gillian.

“Ito naman ang gusto niyo ‘di ba, ang ma­ging instrument si Alex para makalimutan ko si Scott…but don’t worry tita, hindi naman ako manggagamit na tao eh…sinagot ko siya dahil may nararamdaman ako para sa kanya…”

Nakahinga nang maluwag si Lira dahil sa sinabi ng pamangkin. (Itutuloy)