Una sa Balita

Meet Me Halfway

By
0 324

Ika-23 na labas

Natawa na lang si Gillian, Pero hindi siya ­tinigilan ni Paola, nakasunod ito sa kanya kahit dala na niya ang tray ng order para sa isang customer.

“Oy ano Gillian, mamayang uwian ha, daan tayo sa mall!”

“Oo na, sige na, sige na, back to work!”

Outing day. Huminto ang sasakyan ni Lira sa harap ng restaurant. Nag-aabang na roon ang mga staff. Kabilang si Alex. Nangislap ang mga mata nito nang bumaba si Gillian mula sa kotse ng tiyahin. Magandang-maganda ito sa kanyang paningin, suot ang bulaklaking velvet dress na bumagay sa kulay nito.

“Guys kumpleto na ba kayo?” tanong ni Lira sa mga tauhan.

“Yes madam!” sagot naman ng mga ito.

“Okay, lahat tayo sasakay sa mini bus na ­inarkila ko. May kakausapin lang ako sandali and then we’ll go.”

Nilapitan ni Alex si Gillian.

“You look wonderful today.”

“Talaga, ngayon lang?”

“I mean every day, but today you are more wonderful!”

“Bolero ka talaga. Pero thank you na rin.”

Pagsakay sa bus ay inalalayan siya ni Alex at magkatabi silang naupo sa loob.

“Gillian, gusto mo bang mag-sounds?”

“Okay sige.”

Iniabot ni Alex ang isang earphone sa dalaga. Ang kapares nito ay inilagay niya sa teynga niya.

“Teka, you mean tag-isang ear lang tayo?” tanong ni Gillian.

“Yup. Para marinig ko kung ano ang pinapa­kinggan mo.”

Sa isip ni Gillian, ang sweet naman ng lalaking ‘to. Muling sumagi sa isip niya si Scott. Mahilig din ito sa music, pero magkaiba nga lang sila ng taste pagdating dito. Mellow ang kanya samantalang rock naman ang kay Scott.

Habang tahimik silang nakikinig sa magkapares na earphone ay nakatanaw si Gillian sa labas ng bintana ng bus. Hanggang kailan ba niya iisipin si Scott? Hanggang kailan ba siya masasaktan sa paghihintay? Samantalang heto si Alex, kumakatok sa puso niya at nangangako ng isang bagong pag-ibig.

Nilingon niya ang binata at napangiti siya nang makitang napaidlip na ito. Sa isip ng dalaga, “Siguro hindi rin niya type ang music ko kaya nakatulog siya…” Muli niyang ibinalik ang tanaw sa labas.

Subalit muli ay sinulyapan niya ang natutulog na si Alex. Kahit pigilan niya ang sarili ay hindi niya naiwasang titigan ito. Tila nais niyang kumbinsihin ang sarili na ito na nga ang lalaking para sa kanya. Ang lalaking gagamot sa sugat na iniwan ni Scott sa puso niya.

Pagdating sa beach ay excited na nagkanya-kanya na ng pag-e-enjoy ang buong staff. Ang iba ay nagtungo agad sa tubig. Ang iba naman ay inasikaso muna ang pagkain. Habang sina Alex at Gillian ay pinili munang maglakad-lakad.

“Alam mo, gustung-gusto ko ang dagat…kaya lang hindi ako marunong lumangoy…” anang dalaga.

“That was sad, pero don’t worry, if you want to learn how to swim, tuturuan kita.”

Natawa si Gillian.

“No thanks, kung malulunod ako dahil hindi ako marunong lumangoy, then let me drown, it God’s will.”

“What? Bakit ko naman hahayaang mangyari ‘yon kung may magagawa naman ako para sagipin ka?”

Muling napangiti si Gillian.

“Alam mo, Gillian, mas lalo kang gumaganda kapag ngumingiti ka.”

Related Posts

“Puwede ba Alex, nambobola ka na naman eh!”

“No, sinasabi ko lang kung ano ang nakikita ko.”

Tumayo si Gillian at lumakad patungo sa tubig.

“O, maliligo ka na ba?”

“Hindi pa. Tinitingnan ko lang kung gaano kalamig ang tubig.”

Habang nilalaro ng mga paa ni Gillian ang mga mumunting alon mula sa dagat at nilalaro rin ng hangin ang buhok niya ay pinagmamasdan siya ni Alex. Isang pagmamasid na puno ng paghanga at pag-ibig. Nakikita iyon ni Gillian sa sulok ng mga mata niya at nararamdaman at ikinatutuwa niya iyon.

Matapos magkainan ay muling nagtalunan sa tubig ang mga staff. Nilapitan ni Alex si Gillian na abala sa pagliligpit ng mga pinagkainan.

“Gillian, tara na, hayaan mo na ang mga ‘yan.”

“Inaayos ko lang.”

“Hindi mo naman kailangang gawin ‘yan, look at them, enjoying every moment.”

“Hayaan mo lang sila, saka hindi naman ako marunong lumangoy, ‘di ba, so hindi rin ako masyadong mag-e-enjoy sa tubig.”

Nagpasya na lang ang binata na tulungan ito sa ginagawa.

“Alex, anong ginagawa mo?”

“Tinutulungan ka.”

“Okay, sige salamat, hindi kita pipigilan.”

Dahil magkatulong sa pag-aayos ng mga pinagkainan ay madali silang natapos.

“So, pa’no, let’s go?” muling aya ni Alex.

“Okay, magpapalit lang muna ako.”

“Good.”

Matiyagang naghintay si Alex. Naupo muna ito sa buhanginan habang nagpapalit ng suot ang dalaga.

Maya-maya lang ay nakita na niya itong parating­. At ganoon na lang ang pagkamangha niya sa kagandahang tumambad sa kanya. Napakaseksi ng dalaga sa suot nitong two piece. Para siyang namalikmata at nakakita ng ­diyosa na ­naglalakad papalapit sa kanya. Hangga’t maaari ay gusto niyang maging slow motion ang eksenang iyon para hindi na matapos.

“Alex?” kunot-noong sabi ni Gillian nang makita ang pagkatulala ng binata sa kanya.

“G-Gillian, you are so perfect.”

Natawa ang dalaga.

“Nobody’s perfect.”

“But you are.”

“Hmp! Ewan ko sa’yo, tara na nga.” Si ­Gillian na mismo ang humawak sa braso ni Alex patungo sa tubig. Bagay na ikinatuwa at ikinakilig ng binata.

“Alex, dito lang tayo sa mababaw ha.”

Natawa ang binata.

“Teka, pinagtatawanan mo ba’ko?” inis na tanong ni Gillian.
Umiling si Alex.

“Of course not, pero ‘wag kang mag-alala, kasama mo ako at pinapangako ko sa’yo na hinding-hindi ka malulunod.” (Itutuloy)