Una sa Balita

Meet Me Halfway

By
0 326

Ika-22 na labas

“Don’t be shy, we know each other for so long, at alam kong ang kagaya mo ay hindi mahirap ­mahalin, kaya nakakasiguro akong bukas makalawa ay kayo na ng pamangkin ko.”
“Salamat po…tita…kung ganyan kalaki ang ­tiwala niyo sa’kin.”

Maya-maya lang ay nagising na rin ang dalaga. Nagulat pa ito nang makitang nagkakape ang tiyahin at si Alex.

“Oh, Gillian, gising ka na pala, halika samahan mo na kami ritong magkape, nagpapaluto na ako ng breakfast. Ipapagising sana kita pero ang sabi ni Alex hintayin ka na lang daw niyang magising.” Si Lira.

“Thank you po tita, good morning.” Humalik si Gillian sa pisngi ng tiyahin.

“Good morning, Gillian.” Bati ni Alex.

“Good morning Alex, ang aga mo ah.”

“Siniguro ko lang na hindi ako male-late sa usapan natin.”

“Okay. Aayusin ko lang ang sarili ko then mag-jogging na tayo. Later na lang tayo mag-breakfast.”

“Kunsabagay, Alex, Gillian, hindi mabuti ang tumakbo kayo na bagong kain, kaya sige go on and have fun.”

Ilang saglit pa ay magkasabay nang tumatakbo ang dalawa.

“Ang sarap tumakbo rito ano, iba ang lamig ng hangin.” Si Alex.

“Oo, pero mas masarap pa rin ang samyo ng hangin sa Pilipinas, sa probinsya.”

“Kunsabagay, kung ano talaga ang nakasana­yan mo, ‘yun ang hahanap-hanapin mo.”

Napaisip si Gillian sa sinabi ni Alex. Huminto siya sa pagtakbo. Naalala niya si Scott.

Nakasana­yan na niya na ito ang kasama niya sa bawat pagtakbo niya, sa bawat paglalakad na magkahawak ang mga kamay…at hinahanap-hanap pa rin niya ito…

“Gillian, is there something wrong? May nasabi ba ako na hindi mo nagustuhan?”

Umiling ang dalaga.

Related Posts

“M-medyo napagod lang ako…”

“Talaga? Pero malayo pa ang tatakbuhin natin, gusto mo bang kargahin na kita?”

“What? Para ano pa’t nag-jogging tayo kung bubuhatin mo lang ako?”

“Okay, sige buti pa magpahinga na muna tayo dito.”

Naupo sa semento si Alex. Natawa si Gillian.

“Dito talaga tayo magpapahinga sa gitna ng daan?”

“Who cares? Wala naman halos dumadaang ­sasakyan dito, madalang.”

Tinabihan siya ni Gillian. Iniabot ni Alex sa dalaga ang dalang bote ng mineral water. Kinuha iyon ng dalaga at ininom. Saglit silang nagkuwentuhan habang namamahinga. Maya-maya pa ay nagpasya na si Gillian na ipagpatuloy ang pagtakbo. Sinadya nitong unahan si Alex sa pagtayo at pagtakbo.

“Ah, gusto mo ng habulan ha, sige, ‘pag naabutan kita bubuhatin talaga kita!” sigaw ni Alex.

Tawa lang ang isinagot ng dalaga na nagpatuloy sa pagtakbo. Dahil mas mabilis si Alex ay nagawa niyang abutan si Gillian at walang sabi-­sabing binuhat ito.

“EEEEEEE! Ibaba mo ko Alex!” tili ng dalaga.

“No, until we get there!”

Kahit anong piglas ni Gillian ay hindi siya ­ibinaba ni Alex. Buhat siya nito habang tumatakbo.

Sa pagdaan ng mga araw ay hindi namamalayan­ ni Gillian na hindi na pala niya masyadong naiisip si Scott. Unti-unti ay natutuon ang pansin niya kay Alex. Sa lahat ng kabutihan na ipinapakita nito sa kanya ay nababawasan na ang bigat sa dibdib niya.

“Gillian, sabay tayong bumili ng two piece pwede ba?” si Paola na nilapitan si Gillian habang naghihintay ito ng order sa counter.

“Two piece talaga?”

“Oo naman, malapit na ang outing natin, ‘di ba? at ang sabi ni Madam, sa isang magandang beach niya tayo dadalhin since first time mong mag-­outing dito!”

“Hay naku, kahit saang beach pa ‘yan hindi ako interesado, dahil hindi naman ako marunong lumangoy ano.” Sabay irap ni Gillian na nakangiti.

“Don’t worry friend, anong ginagawa ng hero mo, for your info, mahusay siyang lumangoy, mag-surfing, mag-dive kaya sigurado ako na sasagipin ka niya once na malunod ka, kahit sa pinakamalalim na bahagi pa ng dagat ka mapunta!” biro ni Paola. (ITUTULOY)