Una sa Balita

Meet Me Halfway

By
0 323

Ika-21 na labas

“No, I want this girl, and she’s going to say yes this time, right Gillian?”

Hindi na nakatiis si Alex. Nilapitan niya ang mga ito.

“Good morning, sir, can we take your order now?” pormal na tanong ni Alex.

“So who are you? Are you the boss here?” ­baling sa kanya ng antipatikong negro.

“No, but I can kick your ass out of here,” matapang na tugon ni Alex.

“Alex no, calm down.”

Napapailing na biglang sinuntok ng negro si Alex. Agad namang gumanti ng suntok ang binata. Nabigla ang iba pang mga customers.

Umawat ang kasama ng negro at umawat rin si Gillian. Maagap din silang dinaluhan ng guard at mga kasamahan at napigilan ang pagsusuntukan pa ng dalawa.

“Hey, hey, hey, Shanti, let’s go now, let’s get out of here!” anang isang negro.

“Okay, okay, but remember this, I’ll be back for you!” sabay duro nito kay Alex.

Nang makaalis na ang dalawang negro ay saka lang kumalma ang binata. Nasa tabi niya si Gillian.

“Alex, hindi mo dapat ginawa ‘yon.”

“And what? Hahayaan ko na lang ba na bastusin ka ng gagong ‘yon?”

“Okay, salamat sa pagtatanggol mo sa’kin, pero tingnan mo ang napala mo, nagkapasa ka sa mukha samantalang kagagaling mo pa lang sa sakit.”

Nanahimik si Alex. Tumingin ito sa dalaga.

“Sige na, bumalik na tayo sa trabaho, mamaya na tayo mag-usap,” ani Gillian na muling nailang sa pagkakatingin sa kanya ng binata.

“Sabi mo ‘yan, ha, mag-uusap tayo mamaya,” pahabol pa ni Alex nang tumalikod na ang dalaga.

Matapos ang trabaho ay nag-retouch si Gillian sa rest room. Sinadya siyang bungguin ni Paola na nanunukso.

“Naks naman, may knight in shining armor ka na ngayon ha, congrats!”

“Heh! Tumigil ka nga diyan. We’re just friends.”

“Alam mo hindi tayo taga-showbiz kaya pwede ba ‘wag mong gamitin ang linyang ‘yan.”

“E sa ‘yon naman talaga ang totoo eh…”

“O, sige na, friends sa ngayon, pero ewan natin bukas, or mamaya.”

“Ano bang pinagsasasabi mo diyan?”

“Kanina pa kasi siya naghihintay sa parking lot.”

Hindi na tumugon si Gillian.

Tinungo niya ang parking lot at naroon nga si Alex. Nakasandal ito sa kotse at umaliwalas ang mukha nang makita siya.

“Gillian!”

Walang tugon. Binuksan ni Alex ang ­pinto ng kotse para pasakayin si Gillian. Tahimik ­naman itong sumakay at naupo sa tabi ng binata na ­pumwesto na sa manibela.

“Gillian, sorry kanina ha, hindi ko napigilan ang sarili ko eh…”

“No. Ako dapat ang mag-sorry, at thank you na rin dahil sa pagtatanggol mo sa’kin…”

“You’re welcome. I fight for you.”

Tumingin si Gillian kay Alex na nasa daan ang tingin.

“Gillian, sorry din ulit sa…nangyari kagabi…”

Humugot ng malalim na hininga ang dalaga bago tumugon.

“Kalimutan na natin ‘yon.”

Si Alex naman ang tumingin sa kanya.

“Pero…hindi ko kasi makalimutan…”

“So para saan ang sorry mo kung ayaw mo ­naman palang kalimutan ‘yon.”

Nag-isip ng isasagot si Alex.

Related Posts

“I don’t know…do I have to tell you how I feel when it’s already obvious?”

Gustong mapangiti ng dalaga pero pinigilan niya ang mga labi.

Inihinto ni Alex ang sasakyan.

“O, bakit?”

“I’m sorry…but I guess I need to tell you this…”

Hinintay ni Gillian ang sasabihin pa nito.

“I love you…I love you, Gillian…”

Natigilan ang dalaga, bagama’t alam at ramdam na niya iyon ay iba pa rin kapag harapan na itong sinasabi sa kanya. Kaya hindi siya makakibo.

“It’s okay kung wala akong maririnig na ­tugon mula sa’yo, sa ngayon. But please give me a chance na ipakita sa’yo na hindi ito parte ng napag-usapan namin ni Madam Lira, this is me and this is real…”

“Alex, naikuwento na sa’yo ni Tita Lira ang pinagdaanan ko and ayoko namang maging unfair sa’yo…mahal ko pa rin si Scott…”

“I know…I know na hindi naman agad mawawala ‘yon, lalo na kung ayaw mo naman ­talagang mawala…but life goes on and I hope one day you’ll move on and find courage to give your heart another chance…”

“Darating din siguro ‘yung panahon na ‘yon…pero sa ngayon, let just be friends Alex…”

“I understand. Pero ‘wag mo sana akong pagbawalan na ligawan ka.”

Napangiti na rin si Gillian.

“It’s your right, pero baka mapagod ka lang.”

“No. Hindi ako mapapagod, pangako ‘yan.” Nakangiting sabi ni Alex.

Malalim na ang gabi nang magising si Gillian sa tunog ng cellphone niya.

“Hello, Alex?”

“Sorry naistorbo ba kita?”

“Honestly yes, nagising ako sa tawag mo, may nangyari ba?”

“Wala naman, hindi kasi ako makatulog eh, since rest day naman natin bukas, puwede ba tayon­g mag-jogging ?”

“Omg, ginising mo pa talaga ko para itanong ‘yan?”

“Sorry again and again and again.”

“Okay, fine, mga 5am.”

“Talaga?”

“Good night Alex.”

“Okay, goodnight, thank you, Gillian!”

Kinabukasan. 4:30 pa lang ay nakaabang na si Alex kay Gillian sa gate ng bahay ni Lira. Lumabas ang maid para papasukin siya.

“Pasok daw po kayo sabi ni Madam.”

“Salamat.”

Bumungad si Lira sa pintuan.

“Alex, masyado naman yatang maaga ang pagbisita mo?”

“Good morning, Madam. May usapan kasi kami ni Gillian na magja-jogging.”

“Oh, that’s good, kaya lang tulog pa siya, ipapagising ko na lang.”

“Okay lang po kahit hintayin ko na lang siyang magising, madam.”

“Okay, mabuti pa magkape muna tayo.”

Tumango si Alex at sumunod sa matanda ­patungo sa kusina.

“And one thing more, just call me Tita Lira.”

“Ano po?”

“You heard it right, since nagkakamabutihan na naman kayo ng pamangkin ko, you can call me tita also.”

“Nakakahiya naman po, madam, saka hindi pa naman ako sinasagot ni Gillian…” (Itutuloy)