Una sa Balita

Meet Me Halfway

By
0 319

Ika-20 na labas

“Nakita kasi kitang pumasok diyan, kaya eto, hinintay kitang lumabas.”

“Ha? bakit mo ko hinihintay, ‘di ba dapat nagtatrabaho ka na, magaling ka na pala eh…” kunot-noong tanong ni Gillian.

“Thank you sa maganda kong nurse, ikaw ‘yon. Pero hindi ako makakapagsimula sa work kung…”

“Oras ng trabaho kaya pwede ba, magtrabaho ka na,” pigil ni Gillian sa sasabihin pa ng binata.

“Pero hindi nga ako makakapagtrabaho.”

“Bakit hindi?”

“Na sa’yo raw kasi ang susi ng kitchen.”

Natigilan si Gillian. Pinigil niya ang matawa dahil ayaw rin niyang pagtawanan siya ni Alex. Dinukot niya sa bulsa ng uniform ang susi at tahimik iyong ibinigay sa binata.

“Thank you.” Ani Alex.

Patalikod na si Gillian nang muli itong tawagin ni Alex.

“Gillian…”

Hindi umimik ang dalaga, pero tumigil ito sa paghakbang.

“Let’s talk after work… please?”

Saglit na katahimikan. Hindi tumugon ang dalaga. Dumiretso na ito sa pagdistansya kay Alex.

Habang kapwa ­aba­la sa trabaho ay abala din sa pagpapakiramdaman sina Alex at Gillian.

Related Posts

Panay ang palihim nilang sulyap sa isa’t isa. Minsan ay ­nagtatama ang kanilang mga mata subalit agad rin nila itong binabawi.

“Gillian, may order sa kabilang table, ikaw na ha, do’n ako sa kabila.” Si Paola.

“Okay.”

Nilapitan ng dalaga­ ang dalawang negro sa table na itinuro ni Paola…

“Good morning sir! What’s your order?”

“Ahm…” habang busy ang isang negro sa pagpili sa menu ay busy naman ang isa pa sa pagtitig kay Gillian. Nailang ang dalaga pero hindi niya iyon ipinahalata.

Subalit hindi na naka­tiis ang isang ­negro.

“Hey, what’s your name?”

“I-I’m Gillian sir,” atubiling sagot ng ­dalaga.

“Gillian, you’re so beautiful! Can I have your number?”

“I’m sorry sir, I don’t have.”

“What? You don’t have cellphone? Well, I’ll give you if we go on a date!”
“No, thanks sir.”

Tumayo ang negro at lumapit sa dalaga. Nagsimulang kabahan si Gillian.

“Nobody says no to me. You’re lucky because I ask you for a date.”

Mula sa ‘di kalayuang distansya ay napa­lingon si Alex sa kinaroroonan ni Gillian.

“Shanti, calm down, let’s choose what we can eat here,” awat ng isa pang ­negro. (Itutuloy)