Una sa Balita

Meet Me Halfway

By
0 322

Ika-2 na labas

Dalawa lang silang magkapatid. Ang ate niya ay may asawa na at nakabukod na ng bahay sa kanila.

Ganoon din si Scott. Bunso rin ito gaya niya at ang ate nito ay malayo rin dito. Kaya naman sa tingin niya ay magkasundung-magkasundo sila ni Scott dahil pareho silang bunso. Alam nila ang mood swing at toyo ng isa’t isa. Sa loob ng anim na taong pagkakaibigan at dalawang taon na relasyon bilang mag-boyfriend ay tila kabisadong-kabisado na nila ang isa’t isa.

On the way sa trabaho ay kausap ni Gillian si Scott.

“Hello love, nakasakay na ko sa bus, sa service namin, ba’t napatawag ka?”

“Miss na kasi kita eh…”

“Sira ka talaga, magdamag tayong magkasama kagabi miss mo agad ako?”

“Hangga’t hindi tayo nagsasama sa iisang bubong, palagi kitang mamimiss.”

“Oo na, naniniwala na ko… actually miss na rin kita. Teka, wala ka bang pasok?”

“Meron, pero mamaya pa, 2 to 10 ako ngayon.”

“So pa’no e ‘di sa amin muna ko matutulog mamaya.”

“No, I want to be with you tonight.”

“Hmm, okay sige na, call kita pag break time namin.”

“Okay, ingat, love you.”

“I love you, too, ikaw rin be safe always.”

Naghahanda na sa pagpasok si Scott nang bigla siyang makaramdam ng pagkahilo. Napahawak siya sa dingding at sumandal dito sapo ang sariling ulo. Pinakiramdaman niya ang sarili. Nang medyo makaramdam ng kagaanan ay saglit siyang naupo sa sofa at maya-maya rin ay tumayo na at nagbihis para sa pagpasok.

Dahil sa hindi magandang pakiramdam ay mainit ang ulo ni Scott pagdating sa trabaho. Sigaw dito, sigaw doon sa mga staff niya.

“You know what guys, para kayong laging bago sa mga ginagawa n’yo, hanggang ngayon ba hindi n’yo pa rin alam ang trabaho n’yo? Focus. Concentrate. Hindi tayo binabayaran dito para magturuan na lang everyday.”

Biglang tumunog ang cell phone ni Scott kaya tinalikuran niya ang mga kasamahan. Pagtalikod niya ay saka nagbulungan ang mga ito ng hindi maganda tungkol sa kanya.

“Mukhang may period na naman si Sir.” Bulong ng isang babaeng staff.

Related Posts

“Oo nga, ang taray.” Natatawa namang sang-ayon ng isa pa.

“Ssshhh, baka marinig kayo lalo pa tayong malintikan.” Saway ng lalaking staff.

“Hello love.” Si Gillian ang tumawag.

“Hindi mo pa breaktime ah, napatawag ka?”

“W-w-wait, mukhang ang agang uminit ng ulo mo ah, down time kasi kami sa line dahil kinapos kami sa materyales kaya tinawagan kita, so I guess it’s not a good timing to check on you?”

“Not really, actually napabuti pa nga ang pagtawag mo kasi medyo nabawasan ang init ng ulo ko.”

“Really? So what happened?”

“Ito kasing mga staff ko, parang laging mga wala sa loob ang trabaho.”
“Relax, ganyan ka rin nung bago ka pa lang right?”

“Right, nung bago pa lang ako, pero hindi na sila mga bago.”

“Okay fine. Calm down. As a supervisor, you should extend your patience for them.”
“Okay love.”

“Kiss na kita para tuluyan nang lumamig ‘yang ulo mo ha, ummmmmuuwaaaahhhhh!”
Napangiti na si Scott.

“Kaya mahal na mahal kita eh.” Anito.

“I love you too, Scott… I love you more…”

Gabi na nang makauwi sa bahay si Scott. Napangiti siya nang makitang bukas ang ilaw sa loob ng apartment niya. Alam niyang nasa loob na si Gillian. May duplicate key kasi ito.

Excited siyang pumasok sa loob.

“LOVE?” tawag niya.

“Yes, love, good evening!”

Nagmula sa kusina ang boses kaya nagdiretso na siya doon matapos hubarin ang sapatos.

Malambing niyang niyakap mula sa likuran si Gillian at saka inumpisahang hagkan ito sa batok. Napapiglas naman ang dalaga hawak ang sanse. Nagpiprito kasi ito ng bacon.

“Mahal naman, nakikiliti ako.” Reklamo ng dalaga.

“Iyon nga ang gusto ko eh, ang makiliti ka…” nanunuksong bulong ni Scott.

Inalis ni Gillian ang mga kamay ng binata na nakayakap sa kanya at saka humarap dito. (Itutuloy)