Una sa Balita

Meet Me Halfway

By
0 309

Ika-19 na labas

“May kakainin ka ba ngayon?” naisip itanong ng dalaga.

“Yeah, I have foods sa ref.”

“Okay, ipagluluto kita, after that aalis na ko. I’ll call you na lang tomorrow.”

“Thank you Gillian.”

Tahimik na lumabas ng silid ang dalaga. Sinundan siya ng tingin ni Alex. Sa kabila ng hindi magandang pakiramdam ay binalot ng tuwa ang puso ni Alex.

Matapos magluto ay magpapaalam na sana si Gillian kay Alex para umuwi, subalit nakatulog na ito. Lumapit siya at muling hinipo ang noo para matiyak na okay na ito, pero sa tingin niya ay mukhang hindi nabawasan ang init nito.

“Dapat yatang ibili ko na siya ng gamot…”

Ganoon nga ang ginawa ng dalaga. Habang nasa daan ay tinawagan ni Gillian ang tita niya.
“I think he needs medicine.”

“Okay, dumiretso ka na lang dito sa bahay dahil may mga gamot ako dito.”

“Talaga po? Sige po tita, on the way na ko.”

Nang makakuha na ng gamot ay nagpaalam si Gillian sa tiyahin na sasamahan na muna si Alex sa apartment nito. Pumayag naman si Lira. Masaya siya sa muling pagkakasundo ng dalawa.

Tulog pa rin si Alex nang makabalik si Gillian. Marahan niya itong ginising.

“Alex… Alex…”

Pinilit ng binata na imulat ang mga mata. Napangiti ito nang makita si Gillian.

“A-akala ko umalis ka na…”

“Yeah. Pero bumalik ako, dinalhan kita ng gamot.”

“Gamot?”

“Yup Alex, kailangan mong uminom ng gamot kung gusto mong gumaling kaagad.”

Napipilitang bumangon ang binata at naupo sa kama.

“Gillian, why are you doing this?”

Hindi agad nakasagot ang dalaga.

“B-because, I’m your friend… meron bang ibang gagawa nito para sa’yo, e mukhang sinisikreto mo ang pagkakasakit mo.”

“It doesn’t matter, isang simpleng sakit lang ito na hindi naman siguro magtatagal ng one week.”

“Okay fine, kung ayaw mo ng tulong ko, I will go now.”

Akmang tatalikod ang dalaga nang biglang hawakan ni Alex ang kamay niya at kabigin siya palapit dito. Muntik nang ma-out of balance si Gillian kaya napakapit siya sa balikat ng binata at nagtama ang kanilang mga mata.

“G-Gillian, I’m sorry… please don’t go…”

Hindi umimik ang dalaga. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang kaba ng dibdib niya sa pagkakalapit ng mukha nila ni Alex. Parang may kung anong magnet ang nasa pagitan nila at hindi niya iyon magawang kontrahin.

Related Posts

Ganon din ang nararamdaman ni Alex sa mga sandaling ‘yon. Tila nahihipnostismo siya sa simpleng kagandahan na malapitan niyang nakikita. Hindi na niya palalampasin ang pagkakataong iyon. Aangkinin niya kahit saglit ang bawat minuto na lilipas habang nasa gitna sila ng hindi maipaliwanag na sensasyon.

Unti-unti niyang inilapit ang mga labi sa labi ng dalaga. Napapikit si Gillian nang maglapat ang mga labi nila.

Hindi niya iyon inaasahan sa kanyang sarili. Hindi niya inaasahan ang damdaming sisibol sa gitna ng nananatiling pait sa kanyang puso dulot ng nagdaang pag-ibig.

At habang ang puso niya ay tinatangay ng kakaibang pagnanais, ang puso naman ni Alex ay malayang pakakawalan ang damdaming umaalipin sa kanyang pagkatao. Kapwa sila nagpatangay sa kakaibang sayaw ng mga damdaming tila hindi papipigil.

Subalit sa gitna ng matatamis na halik sa pagitan nila ni Alex ay biglang sumagi sa isip ni Gillian si Scott, at ang walang kasing tamis na halik nito ang naglaro sa kanyang isipan.

Binawi niya ang kanyang mga labi at bahagyang itinulak ang binata palayo sa kanya.

“W-what’s wrong?” tanong ni Alex na nabigla.

“This… this is wrong…” pagkasabi niyon ay nagmamadaling lumabas ng silid si Gillian.

Sinundan siya ng binata. Huminto siya sa paghakbang nang makarating siya sa pintuan.

Nanatili namang nakatayo sa likuran niya si Alex.

“Gillian, I’m sorry…”

“Dapat din akong mag-sorry… mabuti pa, kumain ka na at inumin mo na ang gamot mo, I have to go…”

Tuluyan nang umalis si Gillian. Hinatid na lang siya ng tanaw ni Alex na bakas ang lungkot sa mukha.

Malalim na ang gabi subalit laman pa rin ng isipan ni Gillian ang masuyong halik na namagitan sa kanila ni Alex. Hindi dapat nangyari ‘yon… hindi iyon tama… dahil nasa puso’t isipan pa niya si Scott. Nagi-guilty ba siya? Natatakot na magmahal ulit? Hindi niya sigurado kung ano na ba talaga ang tunay na kalagayan ng puso niya. Ngayon lang siya nakaramdam ng pagkalito sa damdamin. Dahil mula pa man noon ay si Scott na ang nagmay-ari ng puso niya. Ibinuhos niya dito ang espesyal na damdaming mayroon siya. Ibinigay niya kay Scott ang lahat ng kaya niyang ibigay. Maging ang sarili niya, ng buong-buo. Kaya ngayon hindi niya alam kung may kaya pa ba siyang ibigay para sa bagong pag-ibig na nagnanais makapasok sa puso niya…

Kinabukasan ay nahalata ni Lira ang tila hindi naging maayos na pagtulog ng pamangkin habang nag-aalmusal sila.

“Gillian, natulog ka ba?”

“Y-yes po tita, bakit po?”

“Mukha kasing hindi… may eye bags ka at parang inaantok ka pa.”

“Ahm, medyo late na nga po akong nakatulog.”

“’Wag ka kasing masyadong magbabad sa internet, by the way, how’s Alex?”

“O-okay na naman po siya… pero hindi po ako sure kung makakapasok na siya today…”

“Hindi ko na hinintay ang pag-uwi mo kagabi, akala ko kasi doon ka matutulog, nalaman ko na lang sa maid na umuwi ka pala.”

“Opo, naisip ko po kasi na kailangan kong gumising ng maaga para pumasok, since nandito ang mga gamit ko kaya nag-decide na lang po ako na umuwi.”

Hindi na nag-usisa pa si Lira sa pamangkin.

Kakarating lang ni Gillian sa trabaho, nagdadalawang-isip siya kung tatawagan ba niya si Alex para kumustahin o ‘wag na lang. Matapos kasi ang nangyari kagabi ay naiilang na siya ngayon na gawin ito.

Nasa gitna siya ng pagtatalo ng isipan nang makita niyang paparating si Alex. Masaya itong binati ng mga kasamahan. Nataranta si Gillian. Hindi niya alam kung babatiin din ba si Alex o iiwasan ito. Pinili niya ang huli. Nagpunta siya sa locker room at kinalma ang sarili.

“Come on Gillian, it’s okay… kung anuman ang nangyari kagabi, wala lang ‘yon… just be yourself… be normal, okay…” kumbinsi ng dalaga sa sarili.

Maya-maya pa ay lumabas na siya sa locker room. Nagulat pa siya nang mabungaran sa pintuan nito si Alex.

“Alex? A-anong ginagawa mo rito?” (Itutuloy)