Una sa Balita

Meet Me Halfway

By
0 309

Ika-18 na labas

“Tinanong kita last time, and you said na all you want is my friendship, so what’s going on now?”

“I’ve been honest to you, I like you, pero ayaw kitang madaliin, at gusto kita hindi dahil sinabi ng tita mo, gusto kita kasi iyon ang sinasabi ng puso ko.”

Napapailing na iniwan ni Gillian si Alex.

“Gillian! Gillian!”

Kinatok ni Lira ang pamangkin sa kuwarto nito.

“Tuloy po kayo tita.”

Nakahiga si Gillian, hawak ang cellphone niya.

“Gillian, Alex called me, sinabi niya sa akin ang nangyari…”

Hindi kumibo ang dalaga.

Naupo si Lira sa gilid ng kama.

“I am so sorry my girl… I just thought you need help… and I think Alex is the best guy for you to move on…”

“Kinuwento n’yo na rin po ba sa kanya ang mga pinagdaanan ko sa past relationship ko?”
Tumango ang matandang babae.

“Tita, why did you do that? What if Alex would take advantage of this?”

“I know him for so long, that’s why I trusted him.”

Humugot ng malalim na buntong hininga si Gillian.

“Look, I really feel sorry about this, I promise, hindi na ako makikialam.”

Hindi umimik ang dalaga hanggang sa muli siyang mapag-isa sa silid na iyon. Tahimik siyang umiyak dahil naalala na naman niya si Scott.

Ilang araw ding iniwasan ni Gillian si Alex. Pero patuloy lang itong nanunuyo sa kanya.

“Gillian!” si Paola. Kapwa niya waitress. Iniabot sa kanya nito ang isang cake.

“Wait, kaninong order ‘to?”

“Take a look.”

Binasa ni Gillian ang nakasulat sa cake.

“sweet cake for the sweet lady… peace na tayo.”

Kahit paano ay napangiti nito ang dalaga. Pero.

“Pakibalik mo ‘to sa kanya, pakisabi hindi ako mahilig sa matamis.”

“Ha? tumulong pa naman kami sa pag-bake nito!” reklamo ni Paola.

“Then you can eat the cake and enjoy.”

Nakangiti pero umirap si Paola kay Gillian pagtalikod nito.

Nang sumunod na araw ay hindi pumasok si Alex. Bagay na ipinagtaka ni Gillian. Lalo pa siyang nagtaka sa ikalawang araw ng pag-absent nito. Nagdadalawang isip siya kung pupuntahan niya ito sa apartment o tatawagan na lang. Wala kasing makapagsabi sa kanya kung bakit ito absent.

Sa pagkakaalam niya ay lagi nitong nakukuha ang best attendance award sa restaurant. Ayaw naman niyang tanungin ang tita niya tungkol dito, baka kasi kung ano pang isipin nito.

Sa huli ay nag-decide na lang siya na dumaan sa apartment nito bago umuwi.

Hanggang sa pagdo-door bell ay nagdalawang isip pa siya. Pero itinuloy niya rin. Isang tila may sakit na Alex ang bumungad sa kanya.

Related Posts

“Gillian?” nagulat pa ito nang makita siya.

“Can I come in?”

“Yeah, tuloy ka.”

Naupo sa sofa si Gillian. Tinabihan siya ni Alex.

“Are you sick?”

“Medyo.”

“Medyo? Two days ka ng absent.”

“Ahm… okay I’m sick, nag-worry ka ba?”

“Medyo rin.”

Napangiti si Alex.

“Gillian, are we okay now?”

Saglit na nag-isip ang dalaga bago sumagot.

“I think so, kaya nga ako nandito diba.”

Natuwa si Alex sa tinuran nito. Umusod pa siya ng upo palapit sa dalaga.

“So, ibig sabihin friends na tayo ulit… or I can…”

“Stop assuming please? Meron lang akong kondisyon…”

“Whatever it is.”

“Okay… since naikuwento na pala sa’yo ng tita ko ang tungkol kay Scott, makikiusap ako sa’yo na ‘wag natin siyang pag-uusapan. Kung ano man ang meron kaming dalawa, I want to keep it to myself… in my heart…”

“Okay. I respect that.”

Saglit na namagitan ang katahimikan. Napansin ni Gillian na tila nilalamig si Alex. Hinipo niya ito sa noo at sinalat ang leeg.

“Alex, I think you’re not okay…”

“Okay lang ako…”

“Hindi eh, buti pa bumalik ka na sa higaan mo. May iniinom ka bang gamot?”
Umiling ang binata. “ Hindi ako sanay uminom ng gamot, I’m a tough fella.”

Sa narinig ay sumagi sa isip ni Gillian ang nobyo. Narinig na niya ang salitang ‘tough fella’ kay Scott noon. Katulad kasi ni Alex, ayaw na ayaw rin nito ang uminom ng gamot lalo na ang magpatingin sa doctor.

“Talaga? pero mukhang hindi sa pagkakataon na’to. Stay in your bed and let’s see what I can do for you…” ani Gillian.

Sumunod na lang si Alex sa sinabi ng dalaga, deep inside ay natutuwa siya sa ipinapakitang concern nito.

Nagpunta sa kusina si Gillian at naghanap ng maliit na planggana. Nilagyan iyon ng buhay na tubig at saka pumasok sa kuwarto ni Alex. Humingi siya ng bimpo rito. Binasa at pinigaan saka inumpisahang ipunas sa noo at mga kamay ng binata.
“What are you doing Gillian?”

“Kahit papa’no mapapababa nito ang lagnat mo, and please magpa-check up ka sa doctor bukas. Sasamahan kita.”

“Talaga?”

“Ano bang balak mo, mahiga na lang at ­hintayin kung kailan ka gagaling?”
“Alam ko namang lilipas din ‘to eh.”

Hindi na kumibo ang dalaga, ipinagpatuloy nito ang ginagawa. Hindi naman maiwasan ni Alex na mapatitig sa dalaga. Habang tinititigan niya ito ay lalo niyang nakukumbinsi ang sarili na ito na ang babae na gusto niya. Ang babaeng gusto niyang makasama habambuhay.

“Pwede ba Alex, ‘wag mo nga akong tingnan ng ganyan.”

“Hindi ko kasi mapigilan ang mga mata ko eh, gusto nilang tumingin sa’yo.”

Dahil sa sinabi ng binata ay nakaramdam ng pagkailang si Gillian kaya itinigil nito ang pagpupunas at inilagay na lang ang bimpo sa noo nito. (Itutuloy)