Una sa Balita

Meet Me Halfway

By
0 324

Ika-17 na labas

Hindi kumibo si Gillian. Pero ­malinaw niyang naintindihan ang sinabi ni Alex.
“Teka, gusto mo ba ng coffee, tea, or me?”

Natawa si Gillian.

“Hot chocolate na lang.”

“Oh no, wala ako no’n, but we can buy, malapit lang dito.”

“No need, tea na lang.”

“Okay, dito ka na ba maghihintay or sa loob?”

“Dito na lang siguro.”

Iniwan na ni Alex ang dalaga para ikuha ito ng tea.

Habang nagtitimpla ng tea ay napapangiti ang binata. Iba ang sayang hatid sa kanya ni Gillian. At sa tamang pagkakataon ay sasabihin rin niya ang tunay niyang nararamdaman.

Sa restaurant. Nilapitan ni Lira si Alex habang nagluluto ito sa kitchen.

“Alex, kumusta na kayo ni ­Gillian?”

Related Posts

“Okay naman po, madam. Mukhang nag-e-enjoy naman po siya sa company ko.”

“Make sure that she will fall ­in love with you, para naman tuluyan ng makalimutan ng pamangkin ko ang ex boyfriend niya.”
Hindi tumugon si Alex.

Dinig na dinig ni Gillian ang naging­ usapan ng dalawa. Papasok kasi dapat siya sa kitchen para ibigay ang bagong order. Humigpit ang hawak niya sa dalang tray dahil sa narinig.

Breaktime. Pinili niyang umakyat sa roof top kaysa kumain. Sinundan siya ni Alex dala ang pagkain.

“Gillian, kung dito mo gustong mag-break time, sasamahan kita, eto o, I’ll bring foods for two.”

Hindi kumibo ang dalaga.

“Hmmm, ang sarap nito, fat shock and hot chocolate!” si Alex pa rin.

Wala pa ring tugon mula sa dalaga. Nanatili itong nakatingin sa malayo. Napansin iyon ni Alex.

“Gillian, is there something wrong?”

Tumingin si Gillian sa dalaga.

“Yes Alex, I don’t know the whole thing tungkol sa usapan niyo ni tita, pero sa pagkakaintindi ko sa narinig ko, she wants me to fall in love with you. What’s the point? Because I am broken?”

Natigilan si Alex. Kakagatin na lang niya ang fat shock pero nabitin iyon dahil sa tinuran ng dalaga. Hindi niya itinuloy ang pagkain.

“G-Gillian, I’m sorry…wala namang masamang intention ang tita mo, and me too…she just want you to be happy. Yes she ask me to get close to you and make you fall in love with me…however, I have my own mind and my own heart…and my heart says I like you…” (Itutuloy)