Una sa Balita

Meet Me Halfway

By
0 322

Ika-16 na labas

Nasa isang maluwang na kalsada siya nang isang kotse ang bumusina ng ubod lakas kaya ganoon na lang ang pagkagulat niya.

“ALEX?”

Isang nakangiting Alex ang sumungaw mula sa bintana ng kotse.

“I never thought makikita kita dito, where will you going?”

“Grabe, makabusina ka ha!”

“Okay sorry, nagulat kasi ako na nakita kita.”

“Kaya ginulat mo rin ako?”

Hindi bumaba sa kotse ang binata. Sa halip ay sinusundan niya ng mabagal na pag-andar ang bawat paghakbang ng dalaga.

“So where will you going?”

“Wala naman. I just want to take a walk.”

“Alone? “

“Yes.”

“What if I walk with you?”

Natigilan ang dalaga. Saglit na nag-isip.

“Alex, are you sure?”

“Why not, balak ko sanang pumunta sa isang thrift store, but since I saw you parang mas gusto ko na lang din na maglakad-lakad.”

“Sira ka talaga, pero sige na nga, okay lang, paano ang kotse mo?”

“Please wait for me here, maghahanap lang ako ng parking.”

Maya-maya pa ay magkasabay na silang ­naglalakad ni Alex.

“Gillian, magkuwento ka naman.”

“Tungkol saan?”

“Tungkol sa’yo, sa buhay mo sa Pilipinas…teka, may naiwan ka bang boyfriend do’n?”
“H-ha? ‘Wag na lang nating pag-usapan.”

“Bakit naman, a, alam ko na, siguro break na kayo or …”

“Alex, I really don’t want to talk about it.”

Related Posts

“S-sorry…”

“Ikaw, baka gusto mong ikuwento ang lovelife mo.”

Huminto sa paglalakad si Alex at tumingin sa malayo.

“Okay, mukhang ayaw mo rin namang magkuwento.” Si Gillian.

“No, hindi naman sa gano’n Gillian…medyo malungkot lang kasi ‘yung naging lovelife ko …yes, I fell in love with a girl before…but obviously I was very single right now, marami kasi kaming differences kaya hindi kami nagtagal.”

“Gano’n ba…sad nga.”

Habang naglalakad ay marami pa silang napagkuwentuhan tungkol sa buhay ng bawat isa.

Tanging ang lovelife lang ni Gillian ang hindi nila napag-usapan dahil ayaw ng dalaga.

Nang mapagod, ay sumakay na sila sa kotse ni Alex at sinamahan niya ito sa store na gusto nitong puntahan.

Habang tumatagal ay lalong napapalapit sina Gillian at Alex sa isa’t isa. At unti-unti ay nababawasan ang sakit ng kalooban na dinadala ni Gillian dulot ng pagkawala ni Scott.

Hapon. Magkausap sila sa terrace ng apartment ni Alex.

“Ayos din pala itong apartment mo, no, parang kasing laki na ng bahay namin sa Pilipinas, pero mag-isa ka lang dito!”

“Oo, at sanay na sanay na akong mabuhay na mag-isa, ‘pag nalulungkot ako inaaya ko dito sina Jeric at Paola, food trip lang, hindi kasi ako umiinom.”

“So, clean living ka pala.”

“Oo, ikaw, umiinom ka ba?”

Tumango si Gillian.

“Yup, pero hindi naman bisyo, paminsan-minsan lang.” Naisip ni Gillian, umiinom siya sa tuwing umiinom din si Scott, kapag nasa apartment siya ni Scott paminsan-minsan ay naiisip nilang uminom ng tag-isang bote o kaya dalawa ang kay Scott at isa ang kanya. Napangiti si ­Gillian sa isiping iyon. Subalit kaakibat no’n ang kalungkutan.

“Gillian, may naalala ka ba? Nag-iba kasi ang aura ng mukha mo.”

“Wala…I mean, meron pero sa’kin na lang ‘yon.”

“Alam mo masyado kang masikreto, pero okay lang, I like mysterious woman.”

Natigilan si Gillian. Saglit siyang napatitig kay Alex.

“O, ba’t ganyan ang tingin mo?” natatawang tanong ng binata.

“Wala lang, feeling ko kasi may iba kang pinapahiwatig sa’kin, so what is it?”
“Hindi ka naman pala manhid eh…”

“Alex, gusto ko lang na maging malinaw sa atin ang lahat, ayoko kasi na magkailangan tayo.”

Ipinatong ni Alex ang dalawang kamay sa terrace at tumanaw sa malayo bago inilipat ang tingin sa dalaga.

“You know what, at first sight alam ko na, na magiging special ka sa’kin…but…I didn’t expect anything from you. All I want now is your friendship. And I believe, if things are meant to be, it will…” (Itutuloy)