Una sa Balita

Meet Me Halfway

By
0 309

Ika-15 na labas

Sa unang gabi ni Gillian sa bahay ng tita niya. Ramdam na ramdam niya ang paninibago. Una sa lahat, walang inang at itang na laging nakaalalay sa kanya. Walang samyo ng hanging probinsya.

Abante Hiring – IT dep

Walang mga kuliglig na maingay sa katahimikan ng gabi at higit sa lahat, walang Scott…hindi niya alam kung makakatagal siya sa bagong magiging sitwasyon pero pipilitin niya. At umaasa siya na masasanay rin siya.

Matapos ang ilang araw na pahinga ay pinag-umpisa na ni Lira ang pamangkin sa magiging trabaho nito sa restaurant. Ipinakilala niya ito sa mga magiging kasamahan doon.

“And last but not the least, si Alex, pioneer siya dito at all around ang trabaho niya, he can be cook, he can be waiter, and he can be technician.”

Maagap na iniabot ni Alex ang kamay niya sa dalaga.

“Nice meeting you, Gillian.”

“Same to you, Alex.”

Personal na inalalayan ni Lira si Gillian sa lahat ng pasikut-sikot sa restaurant. Pansamantala ay itinalaga muna niya ito sa pinakamababang puwesto, bilang waitress at saka na niya ito ilalagay sa magandang posisyon kapag natuto na ito. Two-year course lang ang tinapos ng dalaga at hindi pa ito akma sa restaurant. Computer Science.

Sa unang araw sa trabaho ay nahirapan ang dalaga. Kaya matapos ang mahabang oras ay nagpunta siya sa rooftop ng restaurant at doon piniling magpahinga habang hinihintay ang pagbalik ng Tita Lira niya roon para sunduin siya.

“Ehem.”

Napalingon si Gillian.

“Alex?”

“Ito rin ang favorite place ko rito eh, kasi nakikita ko ang buong City.”

“T-talaga?…”

“Teka, gusto mo rin ba dito or you just checking the place?”

“Mukhang masarap naman dito, mahangin.”

Naupo si Alex sa tabi ng dalaga.

“Nahirapan ka ba?”

“Medyo. Actually natataranta ako, lalo na kapag slang ang umo-order?”

“Pareho tayo, ganyan din ako nu’ng nag-umpisa, pero masasanay ka rin.”

Hindi umimik ang dalaga.

“Gillian, may problema ka ba?”

Related Posts

“Ha? wala, naninibago lang siguro ako sa lugar, sa trabaho, at sa mga tao.”

“Ah, natural lang ‘yan, pero kung may problema ka, I can be your friend to talk to. Hindi ko naman sinasabi na pagkatiwalaan mo agad ako, I just want to make friends with you.”

“Salamat Alex ha. Mukhang magiging panatag naman ako dito, kasi halos lahat ng staff dito sa restaurant Pilipino.”

“Oo kasi gusto ni Madam Lira na matulungan niya ang mga kapwa niya Pilipino na nandito sa America.”

“That’s good.”

“Ahm, by the way, malapit lang nga pala ang apartment ko sa bahay ni Madam, sa kanya ka ba tumutuloy?”

“Yeah.”

“Good.”

Nakangiti pero napakunot ang noo ni Gillian.

“I mean, anytime we can see each other, specially if you need help or I need help.”
“Okay.”

“And if you want, puwede tayong sabay ­pumasok or sabay umuwi.”

“Really?”

“Pasensya ka na sa mga suggestions ko ha, medyo na-excite lang ako na maging kaibigan mo, but of course you do have a choice.”
“It’s okay. We can be friends.”

Iniabot pa ni Gillian ang kamay niya sa binata. Natuwa naman si Alex sa naging reaksyon ng dalaga.

Gabi. Sabay na naghahapunan ang magtiyahin.

“O, kumusta ang unang araw mo sa work?”

“Okay naman po, tita, palagi naman pong mahirap sa umpisa. Pero siyempre masasanay din po ako.”

“How about the staff, are they good to you?”

“Yes po. Lalo na si Alex, may kadaldalan pero mukhang magki-click naman po kami as friends.”

“Tama ka. Mabait si Alex, guwapo at matalino at higit sa lahat, walang sabit. He’s a kind of guy na puwede mong ipalit sa lalaking nang-iwan sa’yo.”

“Tita!”

“S-sorry my girl, I just wanted you to be happy again.”

“Sorry din po.”

Weekend. Dahil walang pasok ay naisipan ni Gillian na maglakad-lakad. Pinayagan naman siya ng tita niya basta bilin lang nito na ‘wag masyadong lumayo.

Mabagal lang ang paglalakad ng dalaga. Maganda ang L.A. naaaliw nito ang paningin niya. Kahit paano ay nababawasan ang bigat sa dibdib niya. (Itutuloy)